Pain & Smile

Nakatikim ka na ba ng kakaibang sarap?

Sarap na laging hinahanap.

At kapag minsang hindi nalasap,

Pakiramdam ay pawang inihulog mula sa alapaap.

Sa isang ngiti, nagsimula ang lahat.

Ang simula ng pagtabang ng tubig sa dagat.

Kanyang palad sa aki’y inilahad.

Ngiti nga lan sa kanya’y di naibigay agad.

Ako’y dinala sa maliwanag na kwarto,

Kaming dalawa, walang katao-tao;

Ako’y inihiga sa mahabang papag.

At inutusang, ako daw ay lumiyad.

Napapikit ako sa liwanag na natanaw ko,

“Huwag kang matakot.”, tanging narinig ko.

Naramdamann ko’y masakit at makirot.

Sa kinahihigaan, ako’y napasiklot.

Nang dumilat ay madilim na talaga.

Ilaw na nakita’y wala na pala.

Ginawa’y malalim na paghinga.

Kahit papaano’y nakaramdam ng ginhawa.

Ako’y inutusan namang ngumanga.

Sa matulis na bagay ako’y napatulala.

Walang nagawa kundi magpaubaya.

Kahit masakit, ako’y nagparaya.

Nang matapos na ang lahat, ako’y pinaupo.

Inabutan ng malamig na tubig na nasa baso.

Kahit butil-butil ang pawis ko,

Masaya kahit pa, perstaym ko.

Ako’y nagpapasalamat sa ginawa niya.

Sakit noong una ay nawala na.

Ngiti sa labi ko’y nagbalik na.

Bulok na ngipin ko’y wala na talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s