Kung Bakit May Mapanghusga

Kung bakit may mapanghusga? Hindi ko alam pero baka trip lang nila. Wala kasing part sa buhay nila ang maganda kaya ang napagdiskitahan nila ay ang pamumuna sa iba.

Kung bakit may mapanghusga? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Hindi ko din mahusgahan. Sa tuwing mapapaisip ako kung bakit may mga taong walang ibang ginawa kundi ang pulaan ang kanilang kapwa, nalulungkot ako. Ito lang naman ang kaya kong gawin dahil talamak na at hindi na mapipigilan ang paglaganap ng isang mabagsik na bisyo ng madla—ang panghuhusga.

Ilang beses na akong nalimitahan sa aking mga gawain. Mismong kilos, pananamit at pananalita ko napulaan na rin. Minsan tuloy naisip ko na ‘wag na lang kaya akong lumabas? ‘Wag na lang kaya akong huminga. ‘Wag na lang din akong magpakita sa mga taong walang ibang alam kundi ang mamuna. Kung kaya ko lang sila tirisin isa-isa, ginawa ko na.

Pare-pareho lang naman tayong tao. May kanya-kanyang gawain at may kanya-kanyang gusto. Sabi nga, may iba’t ibang “taste”. Taste na kung saan, maaaring sa iba ay hindi kaaya-aya. Subalit, sapat na ba ang hindi pagsang-ayon para pulaan ang iba? Nasaan ang salitang unawa? Eh ang salitang hustisya? Marahil masasabing sa pagsulat ko nito ay nanghusga na din ako sa panghuhusga nila. Edi sabihin mo. Nang isa ka na din sa kanila. Hindi porket alam mong mali ang ginawa ng isang tao ay tama ka na. Minsan, katulad ka din nila. Ang pinagkaiba mo lang, nagmarunong ka.

Kung bakit may mapanghusga? Ewan ko pero h’wag kang gagaya sa kanila. Kung nabasa mo ‘to, may ideya ka na. Ideyang hindi nabanggit sa mga talatang aking nagamit kundi nasa sa iyo na upang isipin. Hindi lahat ng aral ng buhay ay given. Kaya nga may special lesson eh. Para sa mga special students na kagaya nila. Nino? Nang mga taong mapanghusga.

Kung bakit may mapanghusga? Ito ay upang matutunan natin ang mga aral ng buhay na lagi nating iniiwasan. Mga aral na maaaring postulate o theory. Nasa sa’yo kung paano mo haharapin ang mga mapanghusga. Kung isa ka rin pala sa kanila, welcome to the club. De joke lang. Kung isa ka rin pala sa kanila, magbago ka na. Malalaman mo naman ‘yan sa sarili mo.

Kung bakit nagsulat ako? Simple lang. Ito ay upang sabihin kong hangga’t may taong humihila pababa sa’yo, nangangahulugan lang na angat ka sa kanila. Hinuhusgahan ka nila sa paraang maiinis ka para ma

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s