Kadalasang Issue ng Kababaihan sa Word na Ganda

Ang daming maling pauso ng mga tao ngayon pagdating sa word na kagandahan. Kung ikaw ay maputi, makinis, mapayat, at matangkad, pasok ka na sa qualifications ng bayan. Idagdag mo pa kung maganda ang suot mong damit, aba, asahan mo one day may luluhod na sa’yo at liligawan ka na, kaagad.

Nakakalungkot. Pramis.

Kung ikaw ay maitim at kulot, kinakailangan mo pang magparebond at magpa-Belo bago maituring na maganda. Hindi ka rin in kung nagsusuot ka ng palda. Like Duh? Are you like Manang or what? Beauty is in the mini short teh!

Putek. Nakakalungkot talaga.

Sabihin ko mang unfair ang mundo at this moment, WALA na kong magagawa sa pagkaunfair nito. Hanggang ngayon may tao pa ring nagdurusa dahil sa misconceptions na itinakda ng madla sa kanila. Marami pa ring matataba ang nagpapagutom para pumayat lang at maachieve ang “katawang” magdadala ng confidence sa kanila.
But wait there’s more.

‘Wag ka na malungkot. First time ko lang kasi gumawa ng ganitong klase ng blog entry. May pag-asa ka pa te. Ang secret lang d’yan ay *bulong*. Narinig mo? ‘Yun yon.

Pero seryoso na.

Ang pinaka the best na gawin ay magpakatotoo sa sarili mo. I-appreciate mo kung ano ka. Pa’no ka naman i-aappreciate ng iba kung ikaw mismo hindi kilala ang sarili mo di ba? Kilos-kilos din.

Seriously.

Affected ako sa nagvivideoke sa labas ng bahay namin. Gayun pa man. LAHAT NG TAO MAGANDAAA! (Pampalubag loob) The best thing to do is to ignore what society may think of you. It’s not them who’ll dictate what you must do. Being yourself is the basic foundation of your beauty.

Last na talaga.

Heads up. Hindi ka dapat malugmok sa sasabihin ng iba. It is you who can play your role in life to the best. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s