Wala namang mawawala kung susubukan mo, ‘di ba?

Wala namang mawawala kung susubukan mo, ‘di ba?

Isang katagang tila nagpapalakas ng loob para sa isang taong takot na sumubok.

Subalit, sa likod ng mga katagang ito ay may ilan din namang balakyot.

Walang mawawala. Walang mawawala kung susubukan. Iba naman ang sabi ko d’yan.

May oras na nasasayang. May oras na tumatakbo, sa sandaling ikaw ay kumilos,

Asahan mong may makukunsume kang parte nito.

Isang katagang sinasabi ilang segundo  bago ka magdesisyon.

Kung sabihin ba naman ito sa’yo sa panahong ikaw ay tuliro,

Marahil ay kakainin mo na ang bawat titik ng katagang ito.

Dahil sa paunang kahulugan nito na nagsasabing,

Wala namang mawawala. Wala namang mawawala kung susubukan mo.

Idagdag pa ang mga salitang, “Hindi ba?” Dalawang salitang magtutulak pa sa’yo.

Magtutulak na gawin mo ang isang bagay kahit may pag-aalinlangan.

Dahil nga, wala naman daw ang mawawala.

Isang katagang maaring sabihin upang gawin mo ang bagay na hindi mo dapat gawin.

Nakakalinlang. Nakakalito. Nakakaloko. Tatlong salitang maaring ikutan nito.

Dahil sa paggawa ng isang bagay, may isa pang bagay kang maaaring natalikuran.

Nakalimutan. Maaaring may kapalit pala ang paggawa sa paghahamon ng katagang ito.

Kaya’t sa tuwing maririnig ko ang katagang ito.

Walang ibang pumapasok sa isipin ko kundi ang, “Ewan ko sa’yo.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s