Anong favorite color mo?

“Anong favorite color mo?”

Tinanong niya ko kung anong favorite color ko.

Hindi kaya reregaluhan niya ko?

Hindi kaya, interesado siya sakin?

Hindi kaya may balak siyang ligawan ako?

Oh baka naman, may simple siyang pagtingin sakin kaya lang hindi niya maamin-amin?

Napakatorpe niya naman kung gano’n.

Ginagawa niya kong clueless.

Siguro. Pinapakilig lang ako nito.

Siguro, tama ako. Excited na kong malaman kung bakit niya tinatanong ‘yung favorite color ko.

Alam ko na. Gusto niya kong regaluhan para gumaan ‘yung loob ko sa kanya.

EHHH. Magaan na magaan na nga ‘yung loob ko sa kanya!

Hindi niya na kailangang magpapogi o magpaporma.

EHHH. Kinikilig ako sa ideya niya.

Bibigyan niya ko ng red roses.

Reregaluhan niya ako ng pink teddy bear.

Hala! Baka bigyan niya rin ako ng blue na headband, nakakahiya naman.

Yellow pad na lang kaya? Hihihi! Kinikilig ako tama na.

Pero… Mas maganda rin kung bibigyan niya ko ng black t-shirt.

Gusto ko din kasi ‘nun. Kaso mahal eh. Erase! Erase!

Kahit orange na lollipop na lang! Okay na ko dun!

Kahit nga sampaguita na lang na kulay white, kikiligin na ‘ko.

Basta galing sa’yo o irog ko.

Kaso… Allergic ako dun eh. Pwedeng red rose na lang ulit?

Tama! ‘Yun na lang! Favorite ko ‘yun talaga ‘yun eh.

O kahit libre niya na lang ako ng halo-halo na may ube sa ibabaw.

Solve na ko dun. Hindi naman ako choosy eh.

At mas lalo namang hindi ako assuming.

Kulay na kaya ‘yung tinatanong. Simula na ‘yan ng pagmamahal namin.

Naiintindihan ko naman ang mga lalaki eh.

Minsan talaga may pagkamahiyain sila. Hihihi.

“Anong favorite color mo?”

“Red. Red ang favorite color ko.” 🙂

“‘Eh ‘yung kay Jen, alam mo?”

 

Advertisements

2 thoughts on “Anong favorite color mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s