Bakit ka dapat maging masaya?

Dumating na ako sa puntong gusto ko ng sumuko.

Itataas ko na lang ang puting bandila at sabay hihinto.

Babalik sa pinanggalingan at du’n uupo.

Mag-aantay na lamang kung kailan muling tatakbo.

Dumating na rin ako sa puntong nawalan na ako ng kausap.

Nawalan ng kasama, miski alitaptap.

Wala akong magawa. Wala na din akong malasap.

Tila isa na ako sa  mga matataas na ulap.

Gusto ko ng sumigaw at huminto.

Lumipad. Tumalon. Pumunta sa malayo.

Subalit, bigla kong babawiin ang aking mga napagtanto.

Nariyan kasi Siya, at tinulungan ako.

Pinaalala Niya na ang buhay ay may yugto.

Mga kabanatang aking dapat malapgpasan.

Mga pagsubok na dapat mapaglabanan.

At mga araw na dapat pakahalagahan.

Mga araw na maaaring hindi na magbalik.

Sandaling bahagi ng buhay na ‘di mauulit.

Kaya, itinigil ko na ang pag-isip ng pagsuko,

Dahil alam kong Siya ang kasangga ko.

Image

.

Advertisements

One thought on “Bakit ka dapat maging masaya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s