Lahat daw ng kwento…

“‘Di ba pare-pareho lang naman ang flow ng kwento? May mahirap, tapos maiinlove sa mayaman. Minsan naman, ‘yung panget, magiging syota ng isang ubod ng gwapo. O kaya naman, ‘yung mga pinagbabawalan ng magulang na maging mag-syota. Ganun lang naman ang flow nila. Pare-pareho lang din.”

 

Oo nga naman. Pare-pareho lang naman ang flow ng mga kwento. May magkaaway pero sa huli sila pa rin ang magkakatuluyan. May hindi pinapayagan ng magulang kaya naman magtatanan. Kadalasan kasi, ganito ang nangyayari.

 

Sa huli. Sila rin naman daw ang magkakatuluyan. Na kahit anong unos man ang pagdaan nila, sila at sila pa rin naman din ang magiging best love team. Aguyyy! Napakaromantic naman na istorya. Sana lahat ng napapanood ko ganyan. Chos.

 

Seriously. Hindi ako sumasang-ayon sa paniniwalang, lahat ng kwento may iisang flow. Lahat ng istorya, magkakaiba. Kahit pa may parts ang isang maikling kwento, nobela, at kung anu-ano pa, hindi kailanman masasabi na iisa lang sila ng galaw.

 

Sabihin na nating may dalawang magkaibang kwento at pareho na ang mga bida ay isang panget at isang gwapo. Kahit pa pareho sila ng uri ng tauhan, may pagkakaiba pa rin ‘yan. (unless nagkadayaan :P) Hindi naman pwedeng sa lahat ng pagkakataon, iisa sila ng flow.’Yung bida ng isa, pwedeng masungit. Sa isa naman, pwedeng mabait. Di ba? Lahat naman ng tauhan may personal touches ng author na nagpapa-unique sa kanila eh.

 

Sabihin na rin nating pareho sila ng ending, eh imposible pa rin namang maging iisa yung scenes towards that ending. (Ang gulo ko na ba?) Every story is unique. Kung pa’no sila napunta sa ending na ‘yon, may difference pa rin. 😐 Maaaring sa isa, naging angel yung pangit at biglang gumanda kaya naman nagkatuluyan sila ni gwapo. Sa isa naman, pwedeng nagparetoke si panget kaya nainlove si gwapo.

 

Hayyy. Ang gulo ko. Para sakin kasi, lahat ng kwento may special features na hindi magiging katulad ng iba pang kwento. Example. Iba ang pagkakayari sa damit kahit ga’no pa sila kapareho ng design. Malay natin, napatakan ng dugo yung tela ng isa at pawis lang sa isa. ^.^

Advertisements

One thought on “Lahat daw ng kwento…

  1. Gets ko to. at sumasang ayon ako. Ang buhay may kanya kanya talagang kuwento. May pagkakatulad ng kaunti pero malaki pa rin ang pagkakaiba. May ibang pinagmulan, tema, suliranin, climax at ending. May sariling style at uniquieness…;-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s