Bagsik ni Habagat Part 2

Kukumpletuhin ko na ang blog post ko tungkol kay Habagat dahil sa mga search terms na ito. Ikukwento ko rin ang aming karanasan sa nakalipas na tatlong araw. Grabe. Hindi ko naman hiniling na mawalan ng bukas, sabi ko lang, sana wala ng pasok bukas. 😐

 August 7, 2012 nang magsimulang lumakas ang ulan. Unlike sa ulan noong lunes, mas malakas at sunud-sunod ang bawat patak sa pag-ulan no’ng araw na ‘yon.

August 8, 2012. Hindi ko inaasahang papasukin ng baha ang bahay namin. Sa pagkakaalala ko kasi, kung walang bagyo eh hindi naman kami aabutin ng tubig. Kaso, nagkamali ako. Inangat na namin ‘yung mga gamit namin at binaklas ko na yung PC sa sala namin dahil baka matalsikan ng tubig.

 Isa sa mga nakuhang larawan habang hinihintay kung papasok ba o hindi ang baha sa loob ng aming bahay. Ayan, intay kasi ako ng intay, pumasok tuloy.

 Kaysa mag-alala, napagtripan ko na lang gumawa ng bangkang papel sa pagpasok ng baha sa aming bahay. Tuwang tuwa pa kami niyan. Hindi lang namin alam na may darating pang tubig. 😐

 “Baha ka lang, Pilipino ako.” Tagline na kumalat sa lahat ng social media na sobrang nakakatouch. Lahat na ata ng sakuna, kakakayanin ng mga Pinoy eh.

 “Bagyo ka lang, tripper ako.” Mga makukulit na kapitbahay na gustong magpakuha ng larawan. Trip lang nila. Really.

 Side view ng pinakamamahal naming simbahan.

 Bahay namin ‘yung blue. Kitams? Enjoy pa kaming magtampisaw sa ulan~ Lalala. Sana po hindi  na maulit ang ganitong sakuna.

August 9, 2012. Kumakalma na ang tubig. Bumababa na ang baha kaso baka hindi na matuloy yung pilgrimage namin sa parokya. 😦 Kumakalat rin na may pasok na sa school namin bukas. Salamat sa napakabait naming preseidente at cancelled na.

NOTE: Hindi bagyo si Habagat. Feeler siya. Feeling bagyo.

Advertisements

5 thoughts on “Bagsik ni Habagat Part 2

  1. Naku, pinasok din pala kayo ni Feeling Bagyo?
    Hmmmm….
    Pambihira…
    Marami talagang naperwisyo…

    Feeling pa lang yan, paano na kaya kung nagmaganda talaga siya? 😦

      1. Ngayon, sa paghagupit ni Feeling, we were lucky enough…yung gumuhong hiway sa antipolo? Yun ang aking daan pauwi araw araw…. di ako nagbyahe nang araw na iyon ay gumuho, Thank God!

        Last time, during Ondoy, we were trapped sa 2nd floor and lost a huge number of possessions to the black, foul smelling flood water…

        Hayyyyyy…..:(

  2. Feeling na talaga ‘yung name niya te? XD Hala, sa may Tikling po ba banda ‘yun? Buti na lang di kayo bumyahe. 😐 Thank God po talaga. No’ng Ondoy naman po, 3 weeks kaming walang klase. 😐

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s