Mahirap mawalan ng privacy.

  • Lahat ng kilos mo, alam ng tao.
  • Lahat ng gagawin mo, alam nila.
  • Lahat ng sasabihin mo, pakikinggan nila.
  • Lahat ng iisipin mo, baka nahulaan na nila.

WordPress na lang ang kanlungan ng isang tulad ko. Bopols ako eh. Akala ko wala ng makakatunton sakin sa Tumblr–meron pa pala. Sa blog ko pa man din na ‘yun nilalabas ‘yung sama ng loob ko. Dun din ako nagpopost ng mga ka-emohan ko. Lahat ng kinatutuwaan ko nandun na rin. Nakakasakit lang isipin na hindi lang pala ako at mga internet friends ko ang nakakabasa ng post ko, meron din palang kakilala ko.

Ako kasi ‘yung taong malihim. Ayokong nalalaman ng iba lahat ng iniisip at tumatakbo sa isip ko. Kung alam ko lang kung papaano malalagyan ng password ang blog ko na ‘yun, ginawa ko na noon pa. Okay lang naman sana na mabasa ng mga internet friends ko ‘yung posts ko, hindi naman nila ko kilala sa personal eh at tsaka hindi sila mangiintriga. Hindi tulad ng iba na lahat ng post mo, bibigyan ng meaning. Ang green lang di ba? Nature friendly.

Gusto kong magmukmok. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Ang hirap na nga magblog tapos malalalaman mong may nakakabasa palang tao na kilala ako sa personal. What the epicfailness. Hindi ko matanggap. Three days na kong napaparanoid kung buburahin ko ba ‘yung Tumblr ko… Ayoko naman din ‘yung idelete all basta dahil marami akong memories do’n. Eh, pa’no ba magtanggal ng followers sa isang iglap? Hindi ko kasi alam. Simpleng mamamayan lang akong pinalad na nagkaro’n ng laptop at internet connection.

Wattpad > WordPress > FB page. Dito na lang ako may privacy. Walang taong knowings ako. Walang eepal! Anak ng tinapa. Kung alam ko lang no’n pa ‘yung salitang password sa blog eh hindi sana ko magkakaganito.

At the end of the day, hindi ko pa rin buburahin ‘yung tumblr ko. Andun na ‘yun. Wala namang magbabago pa kung aalisin ko siya sa mundo. 😐

Advertisements

7 thoughts on “Mahirap mawalan ng privacy.

  1. Cheer up gurl. Huwag kang matakot kung mayroon mang personal na taong nakakabasa ng iyong blog. Anut ano pa man ang nararamdaman ang “wordpress” o ang mundo ng blogasperyo ang nagsisilbi nating sumbungan at daingan…ilabas mo ang tunay mong saloobin.;-)

    1. Salamat po ng marami Kuya! Naeemo lang po talaga sigiuro ako ngayon. :} Pero sabi nga po ng isa pang tagarito eh, mas maiigi na po na mailabas yung tunay na damdamin. SAlamat po ulit!

      1. ako rin din naman dumarating sa ganyang punto. Lahat ng hinuha ko, hinanakit at mga luhang tumatangis ay dito ko rin inilalahad. Mas nakakaluwag ng pakiramdam kapag nailabas yan. Narito kame handang makinig ng iyong tangis….;-) wlang anuman..

      2. kaso nga lang po kuya, yung hinananakit ko ay nakakaoffend din pala sa iba. yun lang yung ikinakakaba ko. Baka yung pagiging AKO, eh masakit para sa iba. 😦

      3. Ikaw yan eh. They must accept the fact who you are. Nagpapakatotoo ka lang. Ibat ibang interpretation na lang yan kung paano ka nila tatanggapin. As long as wala kang inaagrabyadong tao, ipagpatuloy mo lang kung ano ang nararapat..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s