Paano kung wala na ‘kong masulat?

Paano kaya kung dumating ‘yung panahon na wala na kong masulat? ‘Yung tipong matetengga na lang sa matagal na panahon ‘yung lahat ng accounts ko online. Ano kayang magiging pakiramdam ko nun?

Siguro, hindi na ko humihinga nu’n. Dahil sa bawat paglanghap ko ng oxygen, patuloy ang pagdaloy ng malalayang salita sa aking isipan. Habang ako ay may buhay, patuloy akong magsusulat.

Kung dumating man ang panahon na wala ng makaka-appreciate ng mga gawa ko, ayos lang naman. Hindi naman ako nagsusulat para sa kanila. Nagsusulat pa rin naman ako, para sa sarili ko.

Kung dumating man ‘yung panahon na ako mismo ang mawawalan ng gana, siguro sobrang emotional lang ako no’n. Pero, minsan, kahit na-eemo ako, mas lalo akong naiinspire magsulat eh. So, ewan ko lang.

Katulad nitong post ko, pa’no kaya kung eto na ang huli kong sulat? O type? O post? May makakaalala kaya sa akin? O katulad ng mga bituin sa ulap, ay tuluyan na lamang maglalaho.

Hindi ko alam. Hindi… Sana malaman ko.

Advertisements

4 thoughts on “Paano kung wala na ‘kong masulat?

  1. masaya, malungkot, exciting, etc….laging may maisusulat at laging may magiging interesado (kahit minsan hindi lahat) ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s