Paghihintay.

Normal  lang talagang maghintay siguro no? Sa bawat gawain kasi natin, nariyan ‘yung mga pagkakataon na wala tayong ibang magagawa kundi maghintay. Let me tell you my adventure kanina.

Sinamahan ko kasi ‘yung lola kong magpacheck-up sa doctor. Maaga kaming pumunta, 8:45 palang nandun na kami sa clinic kahit alas-diyes pa yung dating nung doctor. Ayaw kasi ng lola kong maghintay  ng matagal. 

Ayaw nga naming maghintay ng matagal kaya pinilit naming mauna sa clinic. Pero, kahit sa’ng banda pa rin tignan, naghintay pa rin kami. Hinintay naming dumating ‘yung doctor. 

Habang naghihintay, bumili muna ako ng grapes sa kalapit na grocery. Isa lang bibilhin ko, kaya akala ko hindi ako maghihintay, mali pala ako. Ang haba ng pila ng mga bumibili. Marami pa nga silang binili kesa sakin. Akala ko hindi ako matatagalan kasi isa lang yung binili ko, ‘yun pala, hindi. Naghintay pa rin ako. Bumili naman ako ng snacks para sa lola ko sa fast food chain na malapit sa grocery. Isa lang ‘yung bibilhin ko, pero naghintay pa rin ako. 

Kahit anong iwas mo sa paghihintay, darating at darating pa rin talaga sa punto na wala kang magagawa kundi sumunod na lang rito.

Akala ko matatapos na ‘yung pagpapacheck up namin tapos na ‘yung check-up. Hindi pa pala. Kailangan pa kasing magpa-laboratory ni lola. 1 hour- 45 minutes ‘yung kailangang hintayin bago makuha ‘yung resulta. Sulit naman ‘yung paghihintay kasi maganda naman ‘yung resulta.

Ang realization ko lang sa araw na ito: Walang masama sa paghihintay. Natural na lang siguro ‘to. Ganun na rin sa paghihintay para sa plano ni Lord sa atin. Kahit gaano katagal, kahit gaano kaimposible, meron at meron pa ring mangyayari. Tiwala lang

Image

Kuha ko nung first year college ako. Sa PNR Blumentrit station. 🙂

Advertisements

4 thoughts on “Paghihintay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s