Ang Aking Pananaw sa RH Bill

Bago ko simulan ang post na ‘to, hayaan niyong sabihin ko na Katoliko po ako. Hindi Katoliko sa salita, kundi pati sa gawa. Active Youth Member at Volunteer Catechist ako sa parish namin. Bawat activities sa simbahan, sinasalihan ko.

Simula nang lumabas ang isyu tungkol sa RH Bill, sobrang um-ANTI na ko ng todo. Abortion?! Divorce?! Masama ‘yun. Masama. Hindi uunlad ang Pilipinas. Mas marami pang projects ang dapat pagtuunan. ‘Wag pills! Jusme. (Gan’to ko magreact kahit hindi ko pa binabasa ‘yung buong bill.)

Hindi naman laging mainit ang isyu tungkol sa RH Bill eh. Kaya seasonal lang ang pagkontra ko sa bill na ‘yon. May kaibigan akong member ng Filipino Freethinkers, kaya ‘pag wala akong ginagawa nagbabasa ako sa website nila. Na-aappreciate ko ‘yung mga post nila dahil open naman ako sa lahat ng bagay. Kahit siguro napaliligiran ako ng mga konserbatibong tao, hindi iba sakin kung banggitin ang saliting sex sa harapan ko.

Nagbabasa ako ng post mula sa group na ‘yon. Maganda ang pagpapaliwanag kaya naiintindihan ko. Nagbabasa rin ako ng post na mula sa Facebook page na tutol sa RH Bill. Maganda rin naman ang pagpapaliwanag nila. Parehong may punto. Kaso, para silang parallel lines–walang intersection.

Ang akin lang naman, kung pareho silang may point, bakit hindi sila mag-agree sa isang usapan. ‘Yung walang naaagrabyado? ‘Yung marerespeto ang bawat opinion. Ganun. (Sana posible) Ako kasi, may gusto at ayaw rin naman ako sa RH Bill. (ang akin lang naman, ulit) Kung magkakasundo lang sana ‘yung dalawang panig, mas maganda siguro ang kalalabasan ng bill na ‘yun. As I observed, may kanya-kanya silang explanation na katanggap-tanggap naman. Sa pinagsama-samang talino ng bawat side, makakagawa sila ng formula para umunlad ang bansa.

Ewan ko ba kung bakit ko naipost ‘to. Wala namang humihingi ng opinyon ko. Sino ba naman ako? Isang hamak na estudyanteng nais ng pagbabago para sa bansa. (Oh yes)

Advertisements

2 thoughts on “Ang Aking Pananaw sa RH Bill

  1. Sana nga kung ano man ang maisulong na batas tungkol sa rh bill na yan eh maging positibo at agrabyado nawa sa kahit anong panig…Isang malalim na usapin ang rh bill na dapat pagtuunan ng panahon at kunkretong desisyon.;-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s