Sa Isang Iglap.

Ang dami kong gustong sabihing hindi ko masabi.

Marami rin akong nais isulat pero hindi ko maitype.

Gusto ko ring tumawa kahit walang dahilan.

Kaso, heto ako, nakakulong sa sarili kong anino.

Nagtatanong kun sa’n patutungo.

Walang katapusang naglalakbay sa mundong ni

minsan ay wala akong kaalam-alam.

 

Sa isang iglap ay kay rami na ang nagaganap.

Pa’no pa kaya sa buong magdamag?

Maghapong nakatingin sa ulap 

At sa gabi naman ay nakatulala sa mga bituin.

Nag-iisip, naghahanap ng kahulugan ng buhay.

Kahulugan na mismong ako ay walang ideya kung

sa’n pupunta ang paghahanap.

 

Mistulang puppet ng sariling mundo ang drama ko.

Pakikisama sa tao ay hindi ko talaga gamay.

Miski pagtawa at ngiti, kadalasan ay hindi tunay.

Subalit, sigurado akong lahat ay totoo at hindi lilo.

Dahil ang tulad ko ay isang malayang tao na kung

makaramdam ay sadyang wakas at totoo.

 

Inisip kong gawing sulatin ang mga ideyang ito,

Subalit, ako’y nakuntento na lamang sa tulang ‘to.

Dahil sa bawat taludtod, kaligayahan ay hatid

Sa pusong walang ginawa kundi magmasid.

Tanging dalangin lamang ay hindi maubusan

ng tinta pagdating ng pag-idlip.

Advertisements

2 thoughts on “Sa Isang Iglap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s