Those Times

Gusto kong magpost ng isang makabuluhang blog ngayong araw na ‘to, pero hindi ko magawa. Kung sa papel siguro ako nagsusulat, malamang, marami ng crampled papers sa tabi ko. Salamat sa WordPress at isang delete lang, wala na agad yung mga drafts ko rito.

Bakit ganun, ‘pag wala ako sa harap ng computer, ang dami kong gustong isulat? Pero, ‘pag nasa harapan na ko ng computer, parang nauubusan na ako ng sasabihin. Siguro, parang kabute lang ang ideya ko, pasulpot-sulpot. O baka naman prutas, kasi seasonal.

Wala man akong masabi, marami naman akong nais iparamdam. Mga bagay na ako mismo, hindi ko alam. Masakit ngang malaman ‘yung ganitong katotohanan, pero wala kong magawa kundi tanggapin na lang.

Jusme. Ang hirap palang magblog. Ngayon ko lang narealize. Parang ngang ang unworthy ko para sa WordPress. Achichi. Kasi naman, wala kong kapormalan pero nandito ako sa pormal na mundo. Nagsusulat ng kung anu-ano. Btw, may pamantayan ba ang pagiging blogger? 😦 (sana may sumagot)

Wala lang. Gusto ko lang magtype. Wala kasi akong maisip. Kaya magttype na lang ako ng kahit ano. Wala namang masama. O sige. Good Night! Nakakapagod yung araw ko, pero mas nakakapagod kung wala akong ginagawa.

Advertisements

2 thoughts on “Those Times

  1. Walang pamantayan ang pagiging blogger. Yun ang pagkakaalam ko. Hahaha. Pareho tayo.. bakit kaya nandito din ako? Wala nga akong kapormalan sa pagsasalita eh. x)

  2. ayon kay mareng “wordweb” ang blog ay A shared on-line journal where people can post daily entries about their personal experiences and hobbies.

    Kung may pamantayan heto marahil ‘yon:

    1. Dapat tao ka
    2. at bilang tao dapay may nararanasan ka
    3. dapat my internet ka kasi nga on-line journal to xD
    4. at dapat may blog ka =p

    thanks mareng wordweb

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s