Wrong Grammar daw.

Maraming Filipino ang mahilig mamuna ng mali ng iba, lalong lalo na sa Wikang Ingles. Tulad na lang ng narinig ko nung minsan. Grabe pa makahalakhak ‘yung taong ‘yun nun eh. Kaya maaalala ko talaga.

 

“Uy, sabi niya, *insert an english word and a visayan accent here*” tapos tumawa.

 

Ang positive side? Ibig sabihin, may alam ‘yung namuna na ‘yun kaya nangahas siya para pansinin ‘yung pagkakamaling ‘yun. Nangahas siya na sitahin ang pagkakamaling ‘yun.

Ang negative? Super nega talaga. Kung ‘di kasi ako nagkakamali, may theory na nagsasabi na naaapektuhan ng mother tongue ang pagsasalita ng isang foreign language ng isang tao. Ibig sabihin, kung ang salitang “WordPress” ay maging “Wordpris” sa iba. Normal lang ‘yon. Di naman nila first language ang English eh.

 

“Grabe. Wrong grammar.”

 

Ilang beses ko na ‘to narinig nung high school ako. Ang wrong grammar daw. Ako rin eh. Mahilig manabi ng ganito. Super wrong grammar ko talaga, pero nung nagsimula akong mag-major ng English (Education), na-realize ko na ang fail ko.

Mali ang phrase na “Wrong Grammar”. Grammar is defined as a rule that words can be put together in order to express complete thoughts. So, rule ang grammar at hindi na ‘to dapat ilarawan as “Wrong”. We can just say.

 

“It’s Grammatically Wrong.”

 

Mas maganda na siya pakinggan. Hindi na magiging nakakailang unlike kung ang sasabihin mo ay “Wrong Grammar.”

Maraming Filipino ang nagsasabi pa rin ng “Uy, wrong grammar.” (according to my observation. Laganap to sa mga Street Signs, Karatula, Poster, at iba pa. (Makagamit naman ako ng Synonyms, wagas.) Nangangahulugan lang ito na may dapat pa ring i-develop sa parte ng edukasyon.

Teacher na ko, a year from now. Sana alam ko kung papano makatulong sa mga nangangailangan ng atensyon at pagkalinga sa kanilang Grammar. Hehe. Di ko naman sinasabi na ang flawless ng English ko. Aminado naman ako eh, “My grammar may fail but my ideas will never die.”

Hello October na pala! Limang buwan na ko sa WordPress. Ang saya. 🙂

 

 

 

Advertisements

One thought on “Wrong Grammar daw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s