Lahat ng tao, alipin.

Madalas, naaawa ako sa tuwing nakakakita ako ng mga taong nagtatrabaho ng mga mabibigat na gawain, katulad na lang ng mga crew na nagtatrabaho sa isang fast food chain. Para sakin, mahirap talaga ‘yung gawain nila. May iba pa ngang estudyante sa kanila, and at the same time, nagtatarabaho. Mahirap na gawain kung tutuusin.

‘Pag nasa food court naman ako, nakakaagaw ng atensyon ko ‘yung mga tagalinis roon. Ang hirap rin ng gawain nila ah. ‘Yung tipong lilinisin mo ang isang floor? Mahirap ‘yun.

Pati mga nagtitinda ng sigarilyo sa kalye, kinakaawanan ko. Feeling ko, ang unfair ng mundo sa tuwing nakakakita ako ng taong tulad nila. Ang bigat sa pakiramdam na may nakikita kang taong naghihirap.

Pero, kinalaunan, napagtanto ko, lahat tayo ay mga alipin. Sa paanong paraan? Alipin ng isa pang alipin. Magulo, pero totoo. Halimbawa, may isang call center agent na kumain sa fast food. Ang service crew ang magsisilbi sa kanya. Kinagabihan, uuwi na ang service crew. Sasakay siya sa jeep na may driver at konduktor na magdadala sa kanya pauwi sa bahay. In short, pinagsilbihan naman siya  nito. Ang driver naman at konduktor ay (for example lang) magmimidnight snack. Bibili sila ng lugaw at pagsisilbihan sila ng tindera ng lugaw. Hahainan sila nito ng lugaw. Sa madaling salita, ang alipin ng bawat isa ay ang alipin din ng isa.

Kahit nga mayayaman ay alipin rin ng kani-kanilang amo sa buhay. Wala kong mabanggit na example. Ang isang kumpanya ay hindi tatakbo kung walang investor. At kung walang investor, walang kita. (correct me po if I’m wrong.)

Ganito na nga talaga. Lahat tayo alipin. Sa ating pagkaalipin, may isa tayong amo na para na rin nating kapatid, kaibigan, ama, at lahat na. Siya si Hesus. Isang Haring nagpakaalipin para sa atin. Bagamat siya’y Hari, pinili Niyang magpakaalipin para matubos tayo mula sa ating pagkakasala.

Kaya, ang aliping tulad ko ay walang ibang gagawin kundi ang sumunod sa Kanya. 🙂

Advertisements

One thought on “Lahat ng tao, alipin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s