Mga kadalasang nasa FB,

  • Quotes- Maraming klase ng quotes na makikita sa Facebook. May mga repost, may ilang galing kay Google. May mga quotes din na gawa-gawa lang ng user. ‘Pag english kasi ang post, nakakatalino, kaya maraming nagpopost ng quotes.
  • Picture- Marami ring klase nito. May picture sila ng kakainin nila, ng kung sa’n sila pupunta at kung anu-ano pa. ‘Pag masyadong maligaya ang user, asahan mong may photo post ‘yan ng kisame nila. Wala lang, para masabing may instagram ‘yung cellphone niya. Minsan, may nagpopost rin ng kung anong nasa tabi nila. Halimbawa ‘yung baso nila. Wala lang, pacute lang rin.
  • Pa-Like po Messages- Ito ‘yung mga links/pictures/polls na pinapashare at kinakalat. Ginagawa ito para sa kaligtasan ni Goku at ng mga Dragon Balls. ‘De joke lang, uso ‘to dahil maraming contest na ang naglipana at facebook is a medium na gamit nila. Oha.
  • Pina-share na Picture- Ito naman ‘yung kasunod ng nasa taas. Mga kahit anon shineshare dahil kailangan o gusto lang talaga. Halimbawa, picture ni Daniel Padilla at Kathryn. O kaya ‘yung picture ni Aling Dionisia at Coco Martin. Marami ka ng makikitang nakakatawang picture sa FB. Nga pala, may mga picture rin galing sa tumblr ang napaikot sa mundo ng Facebook.
  • Emo Status- “I’m so lonely.” Mga status na pawang kalungkutan ang dinadala ng may-ari. Minsan, mapapaisip ka ba kung ila-like mo o hindi eh. Baka kasi isipin nilang ni-like mo ang pagiging malungkot nila.
  • “Insert something to be bragged about- Mga bagay na ang sayang ipost sa FB. Mga achievements, medals, certificate, bagong iPad, bagong cellphone at kung anu-ano pa.

Paulit-ulit ko man ‘tong nasasaksihan, hindi ko pa rin alam kung bakit ako hook na hook sa Facebook. Siguro, dahil na rin ‘to sa mga nakakatwang bagay na nakikita at nababasa ko roon. 🙂

Advertisements

One thought on “Mga kadalasang nasa FB,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s