That special honor we always wanted.

Dahil isa sa mga subjects namin ngayong sem ang Research, kinailangan kong pumunta sa eskwelahan ko noong high school ako upang magpaalam kung maaari ba kaming magsurvey sa kanila. Close ko naman ‘yung principal, kaya ayun, pumayag agad.

Tapos, tinuro niya ako sa teacher ko ng English no’ng high school ako. Kwentuhan to the max naman kami. Nagtanong siya about sa thesis namin at sa ilang mga bagay. Inasar niya nga rin ako ng mga asar niya no’ng high school pa ko.

Kinalaunan, sinabihan niya ko, “Running ka ba?” (She means running for cum laude). Dahil may isang grade akong alanganin, sinabi ko na lang na “Medyo po Ma’am”.

Pauwi na ko no’ng sinabi niya ‘yon. Sa pag-uwi ko naman, nag-emo ako ng konti.

Cum Laude. Graduated with Flying Colors. Ang sarap siguro sa pakiramdam nang makapagtapos nang bongga. I mean, may honor, awards, etc. ‘Yung tipong parang na-achieve mo ang langit dahil nagtapos kang may mga kung anu-anong sabit sa leeg.

Noong high school ako, ganito ako ka-GC. As in, pero ngayong college ako. Medyo naging pilosopher na ako (sa paningin ko) pagdating sa mga ganyang bagay-bagay.

Oo. Ang daming advantage ‘pag nagtapos ng may award, pero para sa akin, walang pinagkaiba ang gumraduate ng may awards sa wala.

Bakit? Dahil Pareho silang nagtapos, pareho silang nag-aral, pareho silang naghirap, pareho silang nangarap, pareho silang nagsumikap. Marami pang iba.

Para sa akin, ang konsepto ng pagiging honor student ay hindi nasusukat sa nakamit na gintong medalya. Nasa mga natutunan ‘yan sa panahong nasa eskwelahan ka.

Actually, nasa speech ko rin ‘to no’ng gumraduate ako. Hindi porket walang honor, eh hindi na ka-honor-honor. As long as may natutunan ka, you’re considered to be an honor student.

Ngayon, hindi na ko naghahabol sa mga ganyang bagay kahit minsan ay sumasagi rin sa isip ko ‘yan. Ang akin lang, mag-aaral akong mabuti. No pressure, just passion. 

Advertisements

One thought on “That special honor we always wanted.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s