Simbang Gabi VS Simbang Landi

Disyembre na naman. Madalas, maririnig natin sa mga kabataan ngayon ang pagpunta nila sa mga simbahan para dumalo sa Misa de Gallo o Simbang Gabi. Ito ay tradisyon ng mga Katoliko siyam na araw bago dumating ang araw ng kapanganakan ni Kristo. Tinawag itong Misa De Gallo dahil ang Misang ito ay idinaraos halos kasabay sa pagtilaok ng Manok. Kaya nga tuwing madaling araw ito isinasagawa.

Kung may magtetrend lang na topic sa Facebook sa mga panahong kagaya nito, marahil magtetrend ang “Simbang gabi o Simbang landi?”. Bilang katoliko, naiinsulto ako sa tuwing ina-associate ang salitang landi sa simba. Ang pagsisimba, para sa aming mga Katoliko, ay isang banal na gawain. Ito ang pag-aalaala kay Kristo. Hindi ito dapat iniuugnay sa salitang kagaya ng landi. 

Subalit, tila hindi na ata maiiwasan ang ganitong pangyayari. Halos maraming kabataan na ngayon ang pumupunta na lamang sa Misa de Gallo para magsuot ng Varsity Jacket, este para makipag-“insert-something-here” sa kanilang mga kaibigan o irog. Halos marami na rin akong nakita sa labas ng simbahan na ganito ang ginagawa. (bukas, mag-oobserve ulit ako) Maraming grupo ng kabataan ang hindi na nagbibigay ng halaga sa essence ng isinimba nila. Kung tanungin kaya ang Salmo sa kanila, masasagot nila?

PERO. Hindi ako bias. Kung titignang mabuti:

  • Effort rin ang gumising ng maaga para lang makapagsimba kasama ang mga mahahalaga sa’yo (e.g. bahala ka na kung sino sila)
  • Hindi birong maligo ng maaga para lang makapagsimba ng maaga. (ang lamig kaya)
  • Hindi birong makipagsiksikan sa upuan para lang makamit ang isang space . (masikip minsan, fact. dahil maraming tao)
  • Hindi birong lumaktaw ng isang meal sa umaga para lang maaga kang makarating sa simbahan at para may maganda kang pwesto. (syempre, mas maganda kung after mass na kakain kasama ang tropa)

In short, hindi biro ang paghahanda bago dumating ang isang tao sa simbahan sa tuwing Simbang Gabi.

Going back sa Simbang Landi, ano ba ang definition ng term na ito? Bukod sa naaasar ako sa tuwing nakikita ko ito sa mundo ng internet, wala akong magawa kundi hayaan na lang ito. Para sa akin, ang Simbang Landi siguro ay ‘yung nagsisimba ang isang tao upang makasilay. The End.

May nakita akong isang magandang punto. If we continue judging this people on how they look, bakit hindi rin natin tingnan ang ating sarili habang tinitignan natin sila? Why on earth we limit ourselves to the thought that these people who attend the mass have only one purpose–and it’s to flirt with people. Ni minsan ba narinig ba nating ang prayers nila? Start judging them if you think you can hear the deepest part of their hearts. Hindi natin alam, na baka ‘yung sinasabihan natin ng gano’n eh siya pang mas taimtim na nagdadasal kumpara sa iba.

May mangilan-ngilan pa rin ngayon ang nananatili sa kanilang panata na magsimba ng siyam na madaling araw bilang paggunita sa kapanganakan ni Hesus. O, minsan, nag-wiwish ang iba sa buong simbang gabi, dahil magkakatotoo raw ito. Kahit ano man ang rason, as long as isinasabuhay ang mga napapakinggan sa Misa, ito ay epektibo pa rin.

 

Advertisements

One thought on “Simbang Gabi VS Simbang Landi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s