My Experience in Prison

Preso. Ex-convict. Kulungan.

 

Sa tuwing naririnig ko ang mga salitang ito, wala akong ibang maisip kundi hindi magagandang bagay. Kulungan? Hindi ba iyan ang bagsakan ng mga taong nahatulan ng hukuman dahil sa nagawa nilang mga pagkakasala? Kaya sa tuwing naririnig ko ang mga salitang nasabi, walang pumapasok sa isip ko kundi ang mga masasamang tao sa loob ng piitan.

Subalit, lahat ng pananaw kong ito ay nagbago. Isang araw ng Miyerkules (January 9, 2012), nataong wala akong pasok sa paaralan dahil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nazareno. Pagkatapos kong magsimba nang Martes ay mayroong nag-aya sa akin na sumama sa Prison Mass sa Pasig City Jail. Pagkarinig ko pa lang ng prison, may kurot sa aking dibdib na nagsasabi na huwag na akong pumunta, subalit, mas nanaig ang isang parte kong mahilig sa mga karanasang maaari kong magkuha sa pagsama sa loob ng kulungan. Kaya naman, nagsabi ako na sasama ako sa Prison Mass.

Pagpasok ko pa lang sa tarangkahan ng kulungan, tinatakan na kami ng isang pulis roon ng gate pass upang payagan kami sa loob. Pagkatapos, sinalubong kami ng ilang preso roon ng isang labing nakangiti. “Hi sister,” bati nila sa akin at sa mga kasama ko.

Sa totoo lang, muntik na akong magkaroon ng stiff neck dahil sa pag-iwas kong tumingin sa mga preso.

Umakyat pa kami sa pangatlong lebel ng gusali dahil doon gaganapin ang misa. Nakakatuwang isipin dahil may choir na binubuo ng preso sa loob. Handa na rin ang mesa na gagamitin para sa Misa.

Nasa loob pa rin ng rehas ang mga preso, kami naman ng mga kasama ko ay nasa tapat lang nila. ‘Yung daanan? Nandoon lang kami. Tatlong kulungan ang nakibahagi sa Misa.

Hindi naman masyadong masikip sa loob. Marami naman sila roong electric fan at may magandang ventilation rin sa nasabing lugar. Mayroon nga lang pasulyap-sulyap na amoy na talaga namang hindi maiiwasan. Marami sila ro’n, natural lang na magkahalo-halo ang amoy nila.

Bago nagsimula ang misa, nagkaroon muna ng joyful songs sa loob. Pinamunuan ‘yon ng kasama kong elder. Ang famous line niyang “Hello-Morning-Kumain na ba kayo?-” na dati ay naririnig ko lang na inaasar sa kanya, ay narinig ko na. Masigasig na nakikanta ang lahat ng preso. Mas malakas pa nga ang boses nila kaysa sa mga may hawak ng mic. At, ‘pag kumakanta sila, mararamdaman mo na may positive outlook sa kanila.

Habang nagmimisa naman, may ilang palakad-lakad sa loob ng preso. Naka-boxer shorts nga lang ang iba eh. Pero, okay naman ‘yun, at least nakikiisa pa rin sila sa Banal na Misa. Nakakatuwa rin dahil sila ay aktibong nakikibahagi sa pag-tugon. Kumakanta rin sila.

Nang matapos na ang Misa, isa-isa na kaming nagpaalam sa kanila. Masigasig pa rin sila kahit sa pagpapaalam. May ngiti sa kanilang mga labi, subalit bakas pa rin sa kanilang mga mata ang pagnanais na makalaya.

Para sa akin, ang kalayaan ay isang bagay na hindi lamang naipagkakait sa mga nasa kulungan. Nawawala ang kalayaan kapag ang isang tao ay hindi na nagkakaroon ng layunin o direksyon sa kanyang buhay. ‘Yung tipong paulit-ulit na lamang niyang ginagawa ang mga bagay dahil nakasanayan niya na itong gawin. ‘Yung tipong kumikilos siya ng walang pagmamahal. Sa madaling salita, nawawala ang kalayaan kapag ang isang tao ay napapalayo sa Diyos.

Isang napakagandang karanasan ang pagsama ko sa Prison Mass. Nagkaroon ako ng malawak na pananaw sa isang aspeto ng buhay na kadalasan ay isinasantabi ko na lang. Mas lalo kong napahalagahan ang aking kalayaan na siya namang naipagkait na sa iba.

Advertisements

One thought on “My Experience in Prison

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s