sabi ni eros at ni lourd

isa sa mga unforgettable experience ko sa buwan ng pebrero ay ang pagkakataong makasalamuha ang mga batikang manunulat at mamamahayag. sila sina sir eros atalia at sir lourd de veyra. tunay nga na sa bawat sasabihin nila ay walang itatapon.

nagbigay sila ng mga tips at paalala tungkol sa pagsusulat sa pamamaraang hindi nakakaantok. kumbaga, balance ang discussion nila dahil hindi ako nagkaroon ng oras para matulog. astig. bagong experience mula sa dalawang henyo ng sining!

“life is like a septic tank, full of shits.” -eros atalia

mga ice breaker palang ni sir eros, nakakatuwa na. pano pa yung mismong content ng talk niya? edi super ten times na napakakakaiba.

sabi niya, pag nagsusulat, kailangang alalalahin ang tatlong ito: (sana tama yung pagkakasulat ko)

  1. bakit ka nagsusulat?
  2. para kanino ka nagsusulat?
  3. bakit ka kailangang basahin?

once na nasagot mo na ang lahat ng mga tanong na ito, malamang pwede ka nang magsulat. may advice rin siyang ibinigay:

isulat ang hindi kayang isulat ng iyong henerasyon. isulat ang ayaw isulat ng iyong panahon–malamang iyon ang tinig ng iyong panahon.

sana tama ang pagkakaquote ko. yung message naman eh ganun din.

blogging naman ang topic ng talk ni lourd. astig. alam niyo bang sa bawat pagtatapos ng first four sentences niya eh may palakpakan agad? napansin niya pa nga pati pusod ng isang babaeng nagintermission number bago siya mag-talk.

bukod sa chicser, kay justine bieber, at iba pa, nagbigay siya ng ilang tips sa pagbblog. sabi niya, maraming impormasyon na makukuha sa internet. bilang blogger, it’s either magdagdag ka ng impormasyon o kung hindi naman ay magbigay ng ibang perspektibo sa mga nauna ng impormasyon.

bagamat sandali lang ang kanyang talk, marami akong napagtanto. self-realizations lang. chos.

wala akong picture ng dalawang ito, pero naniniwala naman ako na magkakaron pa rin ako ng isa pang chance mameet sila. hindi man sa parallel universe, kundi sa personal talaga. malay natin.

nakakainspire magsulat! wooohooo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s