Hey March!

Hey March! You are already here. Hindi ko man lang napansin ‘yung presence mo dahil sa tambak na gawain sa school. Since nand’yan ka na naman, maraming estudyante na naman ang magkakamit ng kanilang diploma. Marami na rin akong maririnig na OST na “ten-tenenenen-tenen-tenen-tenten”. I can feel you preseeeeence! Pero, ‘di pa ako magtatapos. 11 months to go.

Since ito ay buwan ng mga estudyante, hayaan niyong magbigay ako ng ilang tips kung papaano maging isang mabuting estudyante. Syempre, ‘pag sinabing mabuti, madaming meaning ‘yan. ‘Yung ibibigay ko lang naman ngayon ay tips to have an effective reporting.

 

Reporting Method: Ito ang kadalasang teaching method na ginagamit ng mga teachers sa loob ng klase. Ito rin ay isa sa problema ng ilang estudyante dahil ang pagrereport sa harapan ay hindi nila forte. Dahil kapag reporting, kailangan maging teacher ka. Kailangang may visual aids. Kailangang alam mo ‘yung lesson. Kailangan marunong magpaliwanag. Ganito ang reporting kaya naman may mangilan-ngilan ang nahihirapan.

 

Paano nga ba magiging effective ang reporting sa klase?

Read and scroll down for more. 🙂

 

1. Maghanda ng magandang visual aids.

  • Kung traditional ‘yung paraan ng pagrereport, make sure na eye-catcher/head-turner ‘yung visual aids mo. Ang paggamit ng cartolina o Manila paper ay mamamaximize kung magdadagdag ng konting art. Bahala ka na kung papaano mo sila makukulayan. Make sure na ‘yung gagawin mo eh ikagaganda ng visual aids mo.
  • Kung gagamit ng powerpoint presentation o Prezi (search it on web), make sure na mababasa ang laman nito. Kailangan hindi super bright ng background para naman mabasa ‘yung content.

2. Prepare activities for the class.

  • Mag-isip ng pakulo. Pwedeng magbigay ng saglit na palaro sa mga classamates. Halimabawa, magpasolve ng puzzle or kahit anong uri ng mga games na makakaantig sa puso ng mga kaklase. I mean, ‘yung interesting.

3. Mastery of the subject matter.

  • Utang na loob. ‘Wag lang basta basahin ang nakasulat sa visual aids. Kailangang alam mo na ng buong puso ang nakasulat ro’n. Make sure na namaster mo na sila bago ka pa magreport.
  • Prepare ka na ng maaga. ‘Wag mag-cramming. ‘Yung tipong an hour before babasahin ang report? Oh-em. Parang nagbigti ka na n’on. Hehe. Sa totoo lang, mas madali ang reporting kung sisimulang aralin ang lesson ahead of time.
  • Maintain eye contact. Tumingin sa audience, (lalo na sa teacher, kung present). Iparamdam mo sa kanila na alam mo ang sinasabi mo at kaya mong ipaliwanag ang content ng report mo.
  • Don’t stay in one place. Lakad rin kung possible.

4. Bumili ng confidence.

  • ‘Wag ipahalatang kinakabahan. O kaya, kausapin mo na ng maaga ‘yung nararamdaman mo na lumabas na sila bago ka pa magreport. Kabahan ka na ng maaga, ‘wag lang habang nagrereport. 🙂

5. Pray. 🙂

 

Ang mga nabanggit ko po ay base lang sa experience. Kapag nakakakita kasi ako ng nagrereport sa klase, hindi ko mapigilang hindi magbigay ng payo. Kaya, dahil sa kadaldalan ko, nagdecide akong sumulat na lang dito. No offense po ha. Peace.

 

Happy Reporting! :’>

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s