Byaheng Taytay-Quiapo

Para sa tulad kong commuter, ang Taytay-Quiapo na ruta ay talaga namang napakalayo. Biruin mo, sa biyaheng ito madadaanan mo na ang Junction, Robinsons Galleria, Greenhills, Sta. Mesa, at Legarda? Ang layo ng mga lugar na ‘yan sa Taytay, pero may mga taong paulit-ulit na bumibyahe araw-araw sa rutang ‘yan. Sila ang mga drivers at konduktor ng mga sasakyang dumadaan sa lugar na nabanggit.

Kanina, nanggaling ako sa National Library para mag-research sa thesis namin. Hirap akong magdecide kung mag-i-LRT2 na lang ako pauwi o G-liner/RRCG dahil napakalaki ng diperensya  ng dalawang ruta para sa akin. Una, pareho silang malayo sa lugar ko. Pangalawa, mas mabilis sa LRT2 kumpara sa Bus. Kaso, mukhang dinala na ako ng tadhana para sumakay sa bus. Sumakay ako ng RRCG.

Sa Manila City Hall ako galing. Sumakay ako ng RRCG at bababa ako nun sa Taytay bagong palengke. Ang bayad sa gano’ng kalayong byahe ay 41.00. Partida, estudyante pa ako niyan. Ibig sabihin, malayo rin talaga ang byahe. Minsan matagal pa nga.

Ang solusyon sa pagkabagot ko sa byahe ay ang matulog at magsoundtrip. Okay, nagising ako nung nasa bandang Ever na. In short, malapit na kong makauwi. Dahil malapit na ako, edi umayos na ako ng upo. Konti na lang ‘yung nasa loob ng bus. Tapos, dahil nasa three-seater part ako ng bus, umupo sa kabilang dulo ‘yung konduktor. Dahil nasa good mood ako, naintriga ako at tinanong ko si Manong.

  • Ako: Kuya, pagkarating niyong Taytay, babalik na kayong Quiapo?
  • Manong Konduktor: Hindi. (Natawa) Kakain naman kami.
  • Ako: Hindi ba kayo nagsasawang bumiyahe ng malayo? Ang layo-layo po kasi.
  • Manong Konduktor: Hindi, sanay na kasi kami. Minsan nga saglit na lang samin ‘yung byahe.
  • Ako: Eh, nakakailan po kayong balik sa Quaipo at Taytay?
  • Manong Konduktor: Nakakaapat kami. Sanayan lang talaga.

 

Biruin niyo, three years na ginagawa ni Manong Konduktor ang pabalik-balik sa Quaipo at Taytay. Kung ako lang talaga, nakakapagod ‘yun. Pero sila, kailangan nilang gawin dahil kailangan talaga. Kailangan. Kahit mahirap, kailangan.

Life is a journey. Stopovers are normal. Sa byahe ng buhay, maaaring nakakapagod bumiyahe pero kailangan. Hindi lang byaheng Quiapo-Taytay ang aking tatahakin. I must be ready to whatever life gives me. J

Salamat sa Diyos sa napakagandang Monday! 😀

P.S. The most stupid questions I asked for this day, is when I asked the teller at 7/11, “Ate, nagsasara kayo?”

Advertisements

4 thoughts on “Byaheng Taytay-Quiapo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s