Kumusta ka?

Kumusta ka? Okay lang. 

Mas madali kasing isagot ang pangungusap na binubuo ng dalawang salita. Mas madali kumpara sa pagpapaliwanag mo na hindi naging maganda ang araw mo dahil nakalimutan mo ang pamasahe mo sa bahay kaya naman pagdating mo sa school (salamat sa 1-2-3) eh nakuha mo pa ring makaraos dahil da pagpapahiram ng pera sa’yo ng mga kaklase mo.

Okay lang. Kahit sa totoo lang, hindi ka na kumain ng tanghalian dahil mas gusto mong magtipid ng baon para may pamasahe ka pa papasok ng eskwelahan bukas. At sa sobrang pagtitipid mo, nagbabaon ka ng tubig para mapawi naman ang uhaw na nararamdaman mo,

Okay lang. Kahit kaka-break mo lang ng syota mong hayok kung makapang-two time dahil akala niya siya na ang pinakamagandang nilalang sa mundo. At akala niya, ikaw ang pinakatangang tao na kukunsinti sa kalokohan niyang ‘yon. Kaya mo pa ring sabihing okay lang kahit nakita mo na lang ang sarili mo na duguan sa kanto habang hawak ang picture ng taong nanloko sa’yo.

Okay lang. Kahit natamaan ka ng takip ng kalderong ibinato ng nanay mo dahil sa galit niya sa tatay mo. Na kahit may bukol ka, nakuha mo pa ring ngumiti at magsabing ayos ka lang kahit wala na halos patlang sa mga sugat sa katawan mo dulot ng pang-aabuso ng tatay mo sa’yo.

Okay lang. Kahit bagsak ka na naman sa interview sa kumpanyang balak mong pasukan. Kahit nakatanggap ka ng isang “tatawagan-ka-na-lang-namin” na sagot dahil ayaw talaga ng pinapasukan mo siya. Nakuha mo pa ngang mangutang para sa mga papeles para lamang makapasok sa gusto mong trabaho.

Okay lang. Kahit hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng lakas para gumising kinabukasan. Kahit wala na talagang punto ang buhay mo dahil sa isang milyong kamaliang natamo mo. Ni hindi mo na nga alam kung ano ang pangalan mo sa sobrang kalituhan dahil sa pagkabagsak ng mga pangarap mo.

Eh ikaw, kumusta ka?

Advertisements

8 thoughts on “Kumusta ka?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s