Pagkakataon.

Ang pagkakataon parang pagsakay ng jeep.

Madalas, araw-araw na itong nand’yan. Malaya kang sumasakay. May choice ka rin kung gusto mo ng bumaba at magsabi ng “para.” Ang problema, dahil sa araw-araw na natin itong nakikita, nakakalimutan na natin ang kanyang halaga. Taken for granted, kumbaga.

Minsan naman, may jeep na hihinto sa’yo. ‘Yung tipong tinawag ka na ng driver para sumakay at umupo, subalit, nagdalawang isip ka pa. At nang ikaw ay makapag-isip na, at tsaka naman may sumakay ng iba.

May mga pagkakataon ring wala kang magawa kundi maghintay na lamang dahil wala talagang humihinto sa’yo upang pasakayin ka. Wala kang magawa kundi magparaya sa bawat lumilipas na jeep na dumaan sa iyong harapan. Ang tanging meron ka lamang ay isang malalim na buntong hininga.

May mga napapadaan ring ibang sasakyan–katulad na lamang ng tricycle, taxi, at iba pa. At kung nagmamadali ka sa iyong pupuntahan, tiyak wala kang choice kundi ito ay sakyan. Ang mas masakit pa, may oras na ang ibabayad mo rito ay lahat na ng meron ka.

Lahat naman tayo makakapunta sa ating destinasyon. Minsan, may mga tao lang talagang mas nauunang makarating sa kani-kanilang paroroonan. Nakakainggit kung minsan, pero ang dapat lang gawin ay magtiwala sa Lumikha ng Daan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s