This-is-it Feeling

This-is-it! Feeling

 

Na-inlove ka. Na-inlove siya sa’yo. Nagmahalan kayo.

Ang sarap ng pakiramdam ng umiibig. ‘Yung tipong para kang nasa ere sa sobrang kilig. Nakakalimot ka pansamantala ng mga problema dahil alam mong may isang taong handang makinig sa iyong kwento. Nakakatuwa lalong isipin na mayroong isang taong handang makiramay sa’yo sa mga panahon ng kasiyahan, kalungkutan, o pati na rin bagong karanasan.

Ang sarap main-love.

This is it!” Isa sa mga gasgas na linya kapag natagpuan  na ang tunay na ‘pag-ibig’. Ito ‘yung pakiramdam na alam mong siya na ang taong para sa’yo. Ito ang pakiramdam na alam mong sa kanya na iikot ang buhay mo. Ito rin ang pakiramdam na halos isarado mo na ang isip mo sa mga bagay dahil natagpuan mo na ang taong nagbibigay sa’yo ng palpitations. “This is it!” Feeling na akala mo kayo na to infinity and beyond, forevermore, o sa dulo ng walang hanggan.  Sa madaling salita, ito ang climax ng pag-ibig.

Siguardo ka na?

Marami na kasing tao ang nagbubulag-bulagan sa mahika ng pag-ibig. Karamihan sa kanila, sa iisang tao na lamang nakapokus ang atensyon. May mangilan-ngilan pa ngang nakakalimot na sa ibang bagay dahil sa this-is-it feeling na sinasabi ko. Walang masamang magmahal. Ang masama, magmahal ng sobra na dumating na sa punto na sarado ka na sa iba pang bagay na maaaring dumating sa buhay mo.

Mag-isip.

Relax ka lang. Maging bukas sa ibang bagay. Maging bukas sa kung anumang oportunidad ang dumating sa buhay mo. Ang punto lang, ‘wag magpadala sa “this-is-it feeling” dahil darating ang panahon na maaari kang masaktan. Kung hindi ka man masaktan, mabuti. Pero mas mabuti ng handa. Hindi sa lahat ng pagkakataon, siya na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s