Ironic.

Ilang buwan na lang, magmamartsa na ako. Tapos na ang apat na taon na pagpapakasakit at pagpapasarap sa loob ng unibersidad. Tapos na ang mga panahong assignment, quiz, at requirements lang ang iniisip ko. Pagkatapos kong magmartsa, alam kong bagong chapter ng buhay na naman ang kahaharapin ko. Bagong ‘requirements’ ng buhay bilang isang may trabahong miyembro ng pamilya.

Isa na rin ako sa mga tatawaging ‘fresh graduates’ at maghahanap ng mga trabahong may ‘open for fresh graduate’ sa description. Ilang kopya kaya ng resume ang gagawin ko? Gaano kahabang daanan kaya ang lalakarin ko? Ilang pintuan kaya ang papasukan ko? Nandito na ako sa parte ng buhay kong kailangan kong ibenta ang aking sarili para matanggap ako sa trabaho. Ibenta sa paraang magugustuhan ako ng mga taong nauna nang tumahak ng nilalakaran ko.

Kapag natanggap na ako sa trabaho, ano’ng sunod? Paulit-ulit rin bang mga gawain ang gagawin ko? Pagkatapos ko bang makahanap ng trabaho ay mag-aasawa na rin ako? Magkakaroon ng pamilya? Ah, tatanda. Magkakaroon ng sariling buhay ang mga anak at saka mamamatay? Cliché. Buti na lang, hindi tayo napagkalooban ng kapangyarihang basahin ang hinaharap. At least, may isang bagay ang nagpapalakas sa akin sa bawat araw—ang Diyos. Ang galing Niyang magbigay ng isang matinding plot twist sa bawat cliché na bagay sa buhay natin.

Isa lang ang alam ko, ironic ang term na ‘pagtatapos’ o ‘graduation.’ Dahil hindi naman talaga magtatapos ang lahat sa pagtanggap ng isang diploma. Wala pa nga ito sa kalingkingan ng pwedeng maganap sa aking buhay. Ironic? Whatever.

Bakit ko sinulat ‘to? Dahil hindi na ako magkakaroo ng pagkakataong magsulat ng isang graduation speech na pwede kong basahin sa Mayo a-nuebe. Hindi ako magkakaroon ng kahit anong parangal na pinapangarap ko dahil sa isang 2.75 na sumira ng pangarap at papel ko. Tila bumabalik sa akin ang speech ko noong fourth year high school ako. ‘Di ko lang masyadong matandaan kung ano pero tungkol ito sa pagbangon, pagtanggap, at paglalakad muli.

Sa kabila ng lahat ng ito, ayos lang. Ayos lang sa akin dahil hindi kayang sukatin ng numero ang lahat ng nagtutunan ko sa apat na taon na pamamalagi ko sa paaralan. Hindi kayang maisulat sa diploma at credentials ko ang lahat ng nalaman at nagawa ko noong nag-aaral pa ako. At higit sa lahat, hindi kayang tumbasan ng isang papel ang pagkatao ko.

Advertisements

2 thoughts on “Ironic.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s