Trapik sa Pinas

Trapik sa Pinas

 

Traffic kasi, eh.

Traffic. Dyahe. Word pa lang, maiinis ka na. Kahit ang literal na meaning nito ay movement through an area or along a route (thanks, Merriam-Webster), mas madalas siyang naiuugnay sa mabagal na daloy ng trapiko o ng byahe. Ang dami kong introduction, pero ang tanging puno’t dulo lang ng post na ito ay ang matinding biro ng ‘traffic’ na ito kanina. Ang isang oras na byahe ko ay nadoble.

Kung isa ka sa commuters ng buong Pilipinas, para sa’yo ang sentimyento kong ito. Isa rin akong kagaya mong umaasa sa pampublikong sasakyan para makarating sa aking paruruonan. Madalas, isang oras ang inilalaan kong ‘travel period’ mula sa bahay ko hanggang sa pinagtatrabahuan. 45 minutes lang naman ang byahe ko eh. May kinse minutos pa akong allowance.  Kaya lang, hindi sapat ang kinse minutos na ito para makarating on-time kapag naipit na ako sa matinding traffic. Ang traffic, parang pag-ibig, kapag nandyan na, minsan, wala ka ng magagawa kundi magpatangay dito.

 

Stages of Traffic Depression

Kanina, wala na akong choice kundi ang magpasakop sa presence ng traffic. Pasalamat na nga lang ako dahil 1/8 ng pwet ko ang nakaupo sa jeep kanina. Pasalamat na lang ako dahil may nasakyan ako kahit sinabi ko na sa Manong na, “Sige, kuya, sisingit na lang po ako.” Ubod ng drama ang pagsakay ko ng jeep kanina. Na-realize ko tuloy na ang traffic ay isang slight depression. Para sakin lang naman. Kaya, na-conclude kong may stages ito.

  1. Denial. Titingin-tingin pa ako sa relo ko kanina, at sabay sabi, hindi pa naman ako late. May konting allowance pa naman. *After 5 minutes* Hindi talaga ako male-late eh, may grace period pa naman. *After another 5 minutes* Haha, hindi talaga ako late. Smile lang. *After another 5 minutes* I give up. Wala pa rin akong nasasakyang jeep.
  2. Anger. Hindi naman ako masyadong nagalit kanina. Sadyang kinainisan ko na lang ang ilang jeep na magpapaasa pero wala naman pala. Nakakainis kasi ‘yung ibang driver na sasabihing “Oh, tatlo pa, tatlo pa! Sa kaliwa, sa kanan.” Kapag sisilipin ko naman ‘yung loob ng jeep, parang sardinas na ‘yung mga tao sa loob. Anger. Naiinis na ako dahil natanggap ko na ngang late ako.
  3. Denial. Ito ‘yung stage na nakasakay na ako sa jeep, after 10 years, at napatingin ako sa relo ko. Napatanong ako eh, “Kahit ten minutes na lang po akong late, please.” At habang kinakausap ko ang sarili ko, sumisilip ako sa bintana ng jeep—umaasa na kaya ko pang makaraing on-time. Sad face. Insert sad and unhappy emoticons.
  4. Depression. Medyo kwela kasi ang nature ko, hindi ako na-depress sa pagka-late ko. Actually, tawang-tawa ako sa sarili ko. Siguro, naloko ko pa ang sarili ko na gumising ng maaga bukas para ‘di na ulit ma-late. Hihi.
  5. Acceptance. Nang makarating ako sa school, tsaka ko nasabi sa sarili ko, “Finally.” At natawa ako deep inside. Hirap kayang tumawa nang mag-isa, syempre, mentally na lang. Naging abala na ako sa pag-aayos ng sarili para makaraos na sa trabaho ko.

 

Pampalipas Oras Kapag Na-traffic

Tanong. Anong pwedeng gawin kapag naipit na sa traffic? Wala ka ng choice kundi gawin ang mga susunod. Naubos ko nang lahat ito, kaya wala akong nagawa kundi mag-isip ng isusulat ko dito.

  • Laruin ang naiimbak na games sa phone. Actually, dalawang games lang naman meron ako sa phone ko. During my travel, wala akong ibang choice kundi laruin ito. Pampalipas oras.
  • Kung may dalang libro, basahin at tapusin ito. Nagawa ko na ‘to dati. Kaya lang, dyahe pa rin. Lumipas man ang oras, nakahinto pa rin ang sasakyan.
  • Eh, gustuhin ko mang matulog, uminom ako ng kape kanina, kaya hindi ko rin nagawa. Nakakalungkot, sayang ‘yung moment. Hindi rin pala ako makakatulog dahil singit nga lang ako sa upuan. Buti pa ‘yung katabi ko, ang sarap ng tulog. Kulang na lang ay sumandal sa akin.
  • Actually, nagawa ko na ‘to repeatedly. Nag-isip ako ng mga pangarap ko sa buhay. Anong purpose ko sa life? Who am I? Sino ba ako? Worthy ba ako mabuhay? Ang dami kong philosophical questions na naisip kanina, kaya lang, wala eh. Na-bored rin agad ako at naghanap ng ibang gagawin.

 

Lessons Learned

Number 1, gumising ng maaga. Joke, gumigising naman ako ng maaga pero mabagal akong  kumilos. So, number 2, bilisan ang kilos. Magmadali dahil ang traffic ay parang pag-ibig, unpredictable. Suggestion ko lang sa sarili ko, mahalin mo ang oras. Matulog ng maaga. Gumising ng maaga. Kumilos nang mabilis. Higit sa lahat, ‘wag nang maging maarte sa pagsakay. Talasan ang memory. Bilisang mag-isip. Kapag wala ka ng choice kundi mag-two rides, eh ‘di mag-two rides ka na.

 

P.S.

Pakiramdam ko sadyang magkapatid ang Junction (Cainta) at Crossing (Mandaluyong). Close friends siguro sila at pareho sila ng mood.

Advertisements

2 thoughts on “Trapik sa Pinas

  1. ako masaya na ako 1 hour byahe ko dati because minimum ko ay one hour and 3o minutes at sagad-sagad kapag matadals ang ulan ay 4 hours ( wala pa yung pagtayo ng matagal para makasakay)

    ano ang ginagawa ko? sound trip, matulog, at magbura ng messages sa cp. ayoko masyado magbasa- nahihilo ako e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s