Buhay Guro

Buhay-teacher.

Sabi ko ten years ago (rough estimate lang), gusto kong maging teacher. Pinapahalagahan ko kasi ang edukasyon, pag-aaral, at pagbuo ng mga pangarap. Kaya sabi ko, “Sige, mag-ti-teacher talaga ako.” Sa bawat essay na ginagawa ko nung high school, paulit-ulit kong sinasabi na, teacher ako, five to ten years from now.

At ayun na nga. Hello, life. Heto na ‘yung year na tinutukoy ko noon. Heto na nga ‘yung sagot sa tanong na “Anong gusto mo paglaki mo?” Heto na ‘yung forever na sagot para sa forever na tanong na ‘yon.

Licensed teacher na po ako. (Lahat ng credits kay Lord.)

At sa anim na buwan kong pagtuturo, ang dami kong natututunan. Napakaraming bagay na lumalapit sa akin. Maraming patience na rin akong napoproduce. Napakaraming euphemism na rin ang nasabi ko. Sandamakmak na papel ang chinechekan ko. Nagkakaroon na rin ako ng mas malaking eye bag sa paggawa ng lesson plan. Maraming essay na rin ang nakapagpadugo sa ilong ko. Pero, sa kabila ng lahat ng ito, ang susunod na tanong, “What’s next?”

Screw formal writing for now.

Wala pang next, dahil hindi pa ako nagsisimula. Wala pang next dahil parang ‘review’ pa lang ito ng pinag-aralan ko noon.

Masayang magturo, sa totoo lang. Cute tignan ang mga batang nakatulala lang sa akin kapag isang oras na akong nag-i-English. Ang cute ring tignan ng mga essay na papel ng halos lahat sa kanila, dahil kitang-kita ko na magaling at may igagaling pa sila. Ang saya rin sa pakiramadam na pangalawang magulang ang tingin nila sa’yo. Hindi nga lang masaya, kapag nagiging ‘yaya’ na nila ako. Dyahe po. Teacher po ako. Period.

At kapag sinabi kong teacher ako, wala kang ibang dapat i-expect kundi ang matuto nang lahat ng forms ng dapat matutunan (joke). Sa pagtuturo, natututo rin ako sa mga estudyante ko. Sa pagtuturo, natututunan kong magmahal pa lalo. Dahil sa pagtuturo, napatunayan kong may forever (e.g. patience forever, euphemism pa forever, considerations pa more). Ang saya talaga.

Looking at the brighter side, I am always doing my best. Really. Bagamat may pagkakamali, I charged that to my experiences. Medyo hard core nga lang na pagkatuto. Huhu. Dyahe kasi. Huhuhu.

Wala lang. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, na may flavor na kasiyahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s