Naniniwala ka ba sa forever?

Naniniwala ka ba sa forever? Wala nga bang forever?

Ang daming mga bagay na kumakatok sa isip natin. Minsan, pakiramdam natin na walang kasagutan ang mga bagay na iyon. Minsan, akala natin na iyon ay katanungang mananatiling walang kasagutan– lalo na ang usaping forever. Ang daming naaadik sa tanong na, “May forever ba?” Nakakasawa man pakinggan, pero wala tayong ibang magagawa kundi mapansin ‘yung ganitong tanong.

.
Sagot: Depende.

.
Anong uri ba ng forever ang tinutukoy mo? Forever na happiness? Forever na paghihirap? Forever sa love life, or forever strong sa career? Ang daming pwedeng kaakibat na phrase ang tanong na forever.

.
Pero, heto ang opinyon ko para diyan.

.

Walang forever na paghihirap dahil pinapalakas tayo ng Diyos araw-araw. (Phil. 4:13) Itigil mo na ang paghihimutok mo sa hamon ng buhay. Lumaban ka at patunayan mo na kaya mo ang lahat dahil may lakas kang galing kay Kristo. Walang forever na kahirapan, sinasabi ko sa’yo.

.
May forever na happiness dahil kasama mo si Lord. (Matthew 6:33) Hanapin mo ang bagay na gusto Niyang mangyari sa’yo. Balang araw, mararamdaman mo ang forever na hinahanap mo. Estudyante ka ba? Mag-aral kang mabuti dahil iyan ang magiging tulay ng forever na kasiyahan mo. Nagtatrabaho? Humanap ka ng bagay na gusto mong gawin at alam mong magiging masaya at makaka-bless ka sa iba. Tandaan mo lang na i-glorify si God sa bawat bagay na gagawin mo at tiyak na may forever para sa iyo.

.
Forever na broken hearted? Basahin mo ang Psalm 34:18. Tanging ang Diyos lang ang magpaparamdam sa iyo ng totoong pagmamahal. Kahit na pakiramdam mo, broken hearted ka, hihilumin ng Diyos ang puso mo. Broken hearted sa pamilya? trabaho? kaibigan? kasintahan? ‘Wag kang mag-alala kasi pagagalingin ka Niya.

.
Forever na magmamahal sa iyo? Basahin mo ang John 3:16! May Hesus na sobrang nagmamahal sa iyo kaya inialay niya ang kanyang buhay para sa iyo at para sa akin. Huwag na huwag mong iisiping nag-iisa ka at walang nag-aalala para sa iyo. May mga taong ginagamit na instrumento ang Diyos para maiparamdam Niya ang pagmamahal sa’yo. Hinding-hindi ka nag-iisa.

.

Anong tanong na forever mo? Comment na! 🙂

Advertisements

One thought on “Naniniwala ka ba sa forever?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s