Paano ba mag-report?

Reporting. Report na naman? Ayokong mag-report!

Napakaraming violent reactions kapag ina-assign silang magreport. Kaunti na lang ata ang nakilala kong na-excite mag-report. Mas mahirap atang mag-report lalo pa kung mag-isa. Kaya ang daming nagtatanong sa akin, “Paano ba mag-report?”

  1. Una, alamin mo ‘yung topic mo. Usually, binibigay ‘yan nang maaga. Kapag college ka na, sa simula pa lang ng semester, sasabihin na ‘yan. Pag-aralan mo nang mabuti. ‘Wag kang mag-cram. Isipin mong hindi na mas maganda ang magagawa mo kapag nagmamadali ka.
  2. Pangalawa, isipin mong mabuti kung ano ang effective way para ituro ‘yan. Kailangan mo ba ng videos? Kailangan mo ba ng palaro o games? Pwede kang magpalaro bilang motivation sa mga makikinig sa’yo. Dapat nga lang na related sa topic mo ‘yung activity mo.
  3. Plano mong gumawa ng visual aids? Good! Projector, blackboard, Manila Paper, cartolina, and etc! Marami kang pwedeng pagpilian. Kaya siguraduhin mong alam mo na ‘yung topic mo para makaisip ka na ng pakulo.
  4. Know your report. Isapuso mo siya, ‘wag kabisaduhin. Dapat alam mo ang pasikot-sikot ng lesson mo. Kung hindi, mapapowertrip ka lang ng mga kaklase mo.
  5. Maghanda ka sa mga inaasahang tanong mula sa kanila. Siguraduhin mong alam mo na lahat ng pwede nilang itanong sa iyo para hindi ka magmukhang walang alam.

May kulang pa ba sa nabanggit? Kailangan mo ba ng tip? Just ask me.

Love,

Teacher Kim

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s