Tips bago mag-exam

Exam na naman! Exam dito, exam roon. Assessment dito, assessment roon. Tila nga talaga ang buhay ay isang pagsusulit. Minsan, literal dahil sa dami ng pagsusulit at exam na kailangang sagutan.

Ang dami ko nang estudyanteng nakitang nagkakaroon ng problema sa pag-aaral bago mag-exam. May iba’t ibang learning style. May kanya-kanyang trip sa pag-aaral. ‘Yung applicable sa akin, maaaring hindi applicable sa iba. Pero kahit ganoon pa, may ibabahagi akong tips bago mag-exam.

Bago mag-exam.

  1. Ipunin lahat ng notes sa buong term. Kung nabigyan ka ng handouts, itago mo lahat ‘yon kasi bukod sa binayaran mo ‘yon (usually), mga magagamit mo lahat ng nakasulat roon.
  2. Isulat mo lahat ng important terms na sinasabi ng teacher. Hindi namang kailangang lahat pero ‘yung makakatulong sa’yo. Minsan, hindi nila sinusulat sa board ang iba, sinasabi lang talaga nila. Minsan naman, sadyang pinapasulat. Kaya maging alerto ka.
  3. Isulat mo lahat ng topics. Alamin mo lahat ng skills na tinuro ng teacher. Ganoon lang kadali.

A night bago mag-exam.

  1. ‘Wag kang mag-cramming sa pag-aaral. Basahin mo na in advance ‘yung notes mo. May iba naman na nagsusulat pa ng reviewer bago mag-exam kasi mas natatandaan nila iyon. May ibang binabasa ng malakas ‘yung lesson para masaulo. Ikaw? Paano ko ba mag-aral? Depende pa rin sa tao ito.
  2. Matulog ka nang maaga. Alam mo bang hindi efficient ang pagpupuyat? Kumain ka rin dahil makakatulong ‘yon.

Habang nag-e-exam.

  1. Focus! Pwede namang kabahan, pero kapag nagsimula ka na, basahin mong maigi ang nasa test paper mo. Isama mo na rin pati instructions, may kakaiba kasing instructions ang bawat teacher mo. Minsan, kapag mali ka na ng ginawa, mali ka na sa lahat.
  2. Pray. ‘Wag ka nang magbalak mangopya. Ang exam ay evaluation kung may natutunan ka ba o may naalala sa lahat ng pinag-aralan sa buong term… hindi sa isang gabi lang.

Pagkatapos ng exam

Wala na! 😀 Relax ka naman. Kung may exam ka pa kinabukasan, review ka muna para productive. Magpahinga ka rin pa-minsan minsan.

Eto lang ang ilan sa mga tips bago mag-exam. Sana nakatulong! 🙂

Love,

Teacher Kim

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s