What AlDub teaches us

Ilang buwan na rinv umeere ang Aldub. Bihira akong manuod ng tv pero silang dalawa ang nakakumbinsi sa aking manuod muli. 

Kahit nakakabitin ang bawat pangyayari bawat Monthsary, masasabi ko namang nakakakilig at exciting pa rin ang lahat ng nangyayari. 

Kaya nga nilista ko ang mga bagay na natutunan ko sa AlDub.

1. Ang pag-ibig, hindi hinahanap, kusa itong dumarating.

Tulad na lang ng pagkadiskubre sa Aldub, ang pag-ibig, kusang dumarating. Hndi pinipilit. Hindi hinahanap. 

2. Ang pag-ibig na totoo, magtatagal kahit magkalayo.

Kung faithful lang tayo sa mga karelasyon natin, matagal ang samahan. Parang natural na lang at walang halong ka-bitteran. Masayang magmahal kung alam mong tapat kayo sa isa’t isa.
3. Ang Tamang Panahon

Kailan ba ang tamang panahon? Walang makapagsasabi. Pero kung hindi man ngayon, sigurado akong darating rin ang panahong iyon.
4. Unahin ang pamilya bago humarot.

Totoo naman. Na-realize ko ito sa episode nila noong Sep 19. Kahit nasa #AlDubMuchAwaitedDate si Yaya Dub, nang tumunog ang alarm para sa gamot ni lola, hindi siya nagdalawang isip para umuwi at unahin si lola. Family first talaga bago iba.

5. Maging balanse sa pag-ibig at responsibilidad.

Walang masama magmahal. Ang masama ay kapag tuluyan ka nang nabulag nito at makalimot sa mundo.
Yun lang šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s