Kapag napapagod ka na…

Kapag napapagod ka na…

Kapag napapagod ka na, isipin mong mabuti kung bakit at para kanino ka nagsimula. Balikan mo ‘yung motibasyon mo kung bakit ka unang natutong magsulat, at bakit mo naisipang maglakad.

Kapag napapagod ka na, isipin mong patunay lang ito na isa kang taong nagiging produktibo. Isa kang nilalang na may ginagawa sa mundong ginagalawan ng mga taong minsan ay napapagalaw rin.

Kapag napapagod ka nang mag-aral, isipin mo ang ilang batang tumatawid sa karayom para lang makapagbuklat ng isang pahina ng kanilang kwaderno. Isipin mong may ilang kumakapa sa libro makapagsulat lang.

Kapag napapagod ka nang magtrabaho, isipin mo ang libo-libong wala nito. Isipin mo ang hirap at pagod ng paghahanap nito. Isipin mong isa ka sa mapapalad na nilalang na meron nito pero hindi ka dapat doon ay huminto.

Kapag napapagod ka nang maglingkod, isipin mo kung ano ang motibasyon mo. Para ba kanino ang ginagawa mo? Para ba kanino ang oras at panahong inilaan mo noon?

Kapag napapagod ka na, huminga ka sandali. Tumingin sa magkabilang bahagi. Hingi ka ulit, pagkatapos, lakad ka na uli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s