Paano mag-report?

Paano ba mag-report? (Part 2)

Reporting ang isa sa mga challenging task na binibigay ng mga teachers/professors/instructors natin. Dito kasi malalaman kung alam mo ang lahat ng bagay tungkol sa isang topic at kung alam mo kung paano mo ito ipapaliwanag sa harapan ng madla.

Kaya lang, mas challenging ang pag-re-report para sa mga first-timers. Kung high school o college student ka at kailangan mo nang mag-report, heto lang ang mga tips to report in class.

1.MAGBASA. Basahin nang paulit-ulit ang topic. Dahil binibigay naman ang topic nang maaga, dapat sa umpisa palang naghahanap ka na ng references para mas marami kang iba’t ibang ideya na maibigay kapag nagreport ka na. Mas convenient mag-type sa Google pero mas matutuwa ang teacher at classmates mo kung naghanap ka sa library at sa mga physical books. May Google books rin naman at kung madisarkte ka, mas magandang duon ka kumuha.

2. MAGSULAT. Kapag marami ka ng references, siguraduhin mong kuhanan mo sila ng information at i-synthesize mo ang mga nahanap mong references. Ngayon, simulan mo ito sa introduction, content, at conclusion. Depende sa subject ‘yan e. Kung ang report mo ay kailangan ng demonstration o demo, then, kailangan may iba ka pang ihanda. (Siguro gagawan ko ‘to ng entry, soon). Kung general facts lang naman, kailangan mo namang gumawa ng outline ng report mo.

3.MAGHANDA. Ihanda mo ang visual aids mo (Manila paper or cartolina), Powerpoint presentation, at handouts. Maging creative sa paggawa ng visual aids. Kung gagamit ka ng Manila paper o cartolina, lagyan mo ng border. Lagyan mo ng pictures. Gumamit ka ng colored pens. Kung nagtitipid, gumamit ng black marker at maging artist at mag-typography ka. Mas magugustuhan ito lalo pa kakaiba kumpara sa tipikal na mahabaaaaaaaang talata sa harapan. Kung ang gagamitin mo naman ay Powerpoint presentations, maging creative ka. Ang unang slide mo dapat ay blangko. Sa susunod na slide mo na ilagay ang topic. Kung gusto mo ng mystery, maglagay ka lang ng picture na related sa topic mo. Sa paggawa ng Powerpoint, dapat main keywords lang ang nakalagay. ‘WAG mag-copy and paste. Ang boring magbasa ng PPT na puro paragraphs. Gumamit ng animation. Maglagay ng pictures. Effective rin ang hyper links. Kung tapos mo na ‘tong lahat, maghanda ka ng handouts. Ito ang magsisilbing props mo e. Ipapakita mo lang talaga sa kanila na prepared ka. Na hindi nila kailangang kumopya habang nagsasalita ka. Promise. Effective talagang may papel kang binibigay after reporting.

4. MAG-PRACTICE. Kausapin mo ang sarili mo sa salamin. Tapos, kunwari, may estudyante kang kaharap para malaman mo kung kabisado mo na talaga ang report mo. Hindi talagang word per word na kabisado, pero tama lang na alam mo ‘yung daloy ng report mo. Maghanda ka ng props habang nagre-report. Gumamit ka ng realia kung kailangan. Pwede kang mag-costume para mas interesado silang makinig sa iyo. Maging kakaiba ka to stand out.

5. MAGTANONG. Habang nag-re-report ka, kailangan mo ring magbigay ng follow up questions. I-test mo kung nakikinig pa ‘yung mga kaklase mo. Applicable ‘to kung sobrang haba na ng report mo. Isipin mong dapat handa ka ring sumagot sa mga tanong ng kaklase mo. Lahat ng posibleng tanong nila, kailangan mong paghandaan.

Kailangan mo ba ng spefic tips in reporting? Kung oo, e-mail ka lang sa theweirdapple@gmail.com. I am happy to help! Pwede ring mag-comment dito sa post na ito.

Happy reporting!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s