Ganito kita minahal

Ganito kita minahal

Ikaw ang dahilan kung bakit
‘Di ako nakapagkape kanina.
Sa tasang hawak ko
Nakasulat ang pangalan mo.
Natin pala.
Sa loob ng puso.
(Puso ng tasa at puso ko)
Pinag-iisipan ko kung
Ibabalik ko ba ito at sasabihing
Isa akong tasang walang laman
Kung wala ka sa piling ko.
Paalis na ako ng bahay kanina
Nang mapansin ko ang larawan mo
Nakakadikit pa rin pala sa kwarto.
Naaalala ko ang maraming tagpo;
Ako at ikaw, sa ilalim ng araw
Walang sawang humihiyaw
Mula sa mundong mapanglaw
Sa mundong walang nakakaunawa
Sa isang ako at ikaw.
Pinag-iisipan ko kung
ibabalik ko ba ito at sasabihing
Sana tayo pa rin.
Nakasakay ako sa jeep kanina
Natawa ako nang mapansin kong
Mag-isa lang akong sakay nito.
Dati sabay tayo na mapansin ito
Tapos tatawa ka. Tatawa ako.
Parang mga baliw sa kanto.
Hinatak mo ang lubid at nagsabi ng
“para. sa tabi lang.”
Sana ganoon kadali no?
‘Pag ayaw mo na, ayaw ko na,
Hahatakin lang ang lubid
Sabay sigaw ng para.
Pagdating ko sa trabaho kanina
Tangina. Naaalala na naman kita.
Ikaw kasi ang una kong sinasabihan
‘Pag nakarating ako sa opisina.
“Dito na ko.”Ito ang sabi ko sa’yo.
Hanggang ngayon…
Nandito pa rin pala ako.
Umaaasa sa tayo.
Umaasa sa mga ‘paano’ mo.
Lunch break ko kanina.
Bumaba ako. Ako lang pala.
Ang nandito sa bilihan.
‘Di ba magkasabay tayong dalawa?
Kumain nang masaya.
Gumawa ng mga pasya.
Magplano ng mga lakad.
Sabay tayong tumawa ‘di ba?
Pareho kasi nating ayaw
Sa mundong mapaglaro.
Sa mundong mapanghusga
Sa ‘ting dalawang parehong
Nag-iisa.
Sa bawat tipa ko sa mga letra
‘Di ko mapigilang maluha
Kasi wala ka sa tabi ko,
Sa mga panahong may tayo.
Wala na ring napala ang aking “oo”
Dahil sa iba ika’y napa-oo.
Dahil sa iba ika’y napatakbo.
Saglit lang akong nawala ‘di ba?
Ba’t nawala ka na at ang tayo?
Ba’t lumisan ka’ lumayo?
Pauwi na ako.
“Tama na siguro.”
Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.
Sa bawat pag-ulit, lalo kong naaalala
Ang mga salitang iyong binitiwan
Noon at ngayon.
Bukas at kahapon.
Bituin sa langit.
Buhangin sa dagat.
Paglubog at pagsikat ng araw.
“‘Di sapat sabihing
Ibibigay ko ang lahat ng bituin
Dahil ikaw lang giliw,
Wala ng iba pang mahihiling.”
Humiga ako sa kwarto.
Huminga rin ako rito.
Tumigil na ang luha ko
Dahil sa nakita kong
Tuluyan ka ng wala sa mundo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s