Daluyan 2016, Panayam at Paglulunsad

Ang mapabilang sa mga manunulat (contributor) para sa isyu ng Daluyan 2016 ay lubhang nakakapukaw ng aking damdamin. Mas nakakapukaw pa ito kaysa sa katumbas na pagliban nito sa aking trabaho. Nakapakinig ako ng mga panayam mula sa primyadong manunulat at mananaliksik. Ang kanilang mga ibinahagi ay pawang kaugnay ng Wikang Filipino.

Subalit, bago ko maramdaman ang mga ito, milya muna ang nilakbay ko.

Alas-sais na ng umaga nang makaalis ako sa bahay. Sumakay ako ng tricycle papuntang Taytay, Bagong Palengke. Sa pag-aakala na may masasakyan pa ako patungong Cubao, umalis ako ng ganitong oras. Limang minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin. Sumakay pa ulit ako ng tricycle papuntang Tikling. Doon, akala ko ay makakasakay na ako ng jeep patungong Cubao, pero bigo pa rin. Sumakay ako ng jeep papuntang Tropical at doon sumakay muli ng tricycle na babagtas patungo sa LRT Santolan.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, nakasakay na rin ako sa FX na dadaan sa Katipunan. Sa wakas, makakasakay na ulit ako ng jeep papasok ng UP. Nang makasakay naman ako, naging mabilis lang ang byahe at  nakarating agad ako sa may Bahay Kalinaw.

Pagpasok ko pa lang ay bumungad na ang mga manunugtog ng Pilipinong musika. Nagsulat ako ng aking pangalan at agad na pumasok sa loob.

14199658_1274658719219294_3955595619349839721_n

14212210_1274658769219289_2566711548172103007_n

Nagkaroon ng ilang pranayama mula sa mga primyadong propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Matapos ng kanilang panayam ay nagpatuloy na sa paglulunsad ng Daluyan. Ang unang inilunsad ay ang Daluyan 2015. Nasundan ito ng Daluyan 2016 na may ispesyal na isyung Pampanitikan—dito napabilang ang tatlong tula ko, “Kung nakakain lang ang hashtag, Ayala, Boni, Araneta.”

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako napabilang dito. Sadya bang kaunti kaming sumali? Kaunti lang kaya ang nagpasa? O siguro… maganda ‘yung mga tula. Hay. Hindi ko alam. Kung ano man ang dahilan, lubos pa rin akong nagpapasalamat sa Maykapal sa walang sawang pagbibigay sa akin ng ganitong oportunidad.

14100400_1274658582552641_6074259612251193252_n

Halos lahat ng manunulat ay nagtuturo ng Wikang Filipino sa iba’t ibang pamantasan. Ako lang ang bukod tangi na nakasali bilang guro sa elementarya. Salamat talaga sa Diyos.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s