Tayo. Kami. Sila.

T A Y O 

(Pananampalataya)

 

Naaalala mo pa ba nang sabihin mong “Tayo?”

Namula ang pisngi ko. Nagliparan ang paru-paro.

Nagsayawan ang mga santan. Ibo’y nagtawanan.

 

Naalala mo pa ba nang sabihin mong “Ako?”

Nalungkot ako. Hindi kasi ako nakasama sa pangarap mo.

Umulan nang malakas. Nagtampo ang langit sa taas.

 

Sa panahong masaya ka, tila hindi mo ako naalala.

Sa panahong malakas ka, tila hindi mo ako nakikita.

Hanggang dito na lang ba ang ating tadhana?

 

T’wing Linggo tayo nagkikita, minsan ay wala.

Sa isang oras nating magkasama, nagmamadali ka.

Sa pagkadaupang palad, ika’y napapatakbo bigla.

 

Naaalala mo ba bago ka sa board exam pumasa?

Araw-araw tayo nagkikita, nagkakasama.

At nang propesyonal na, hindi mo na ako naalala.

 

Naaalala mo ba noong hiningi ang “siya?”

Lagi kang namamanata, taimtim, madiin.

At nang “kayo” na, hindi mo na ako naalala.

 

Hanggang saan ba pananampalataya mo,

Sa panahong bakante, at libre ka lang?

Sa panahong may kailangan?

O sa panahong bigla kang iniwanan?

 

***

 

K A M I

(Pag-asa)

 

Sa isang bilog na plato mo nakita

Ang salamin ng iyong mukha.

Naluluha. Nangungulila.

Sapagkat ika’y mag-isa. Walang kasama.

Sa bintana ay nakatulala.

Pangarap ay naglahong parang bula.

Napatingin ka sa mga paslit sa labas

Walang salitang naibulalas,

Magsaya ay wala na sa oras.

Napawi ang iyong ngiti.

Tikom ang mga labi.

Sawi. Hinahanap ang dating gawi.

Kami? Nagawa ay isang hikbi.

Hindi na siguro maibabalik sa dati

Ang sa hapagkaina’y mga ngiti.

Walang ibang nangyari. Ika’y

Umalis. Nagtiis. At umasang lahat

Ay magbabalik sa dati.

 

***

 

S I L A

(Pag-ibig)

 

Hindi na ako mahilig magsulat ng tula.

Ayoko nang maalala pa sila.

Ayoko nang maisip ang ginawa nila.

Ayoko nang biglang maikatha pa

Ang lahat ng kataksilang

Sila ang may gawa.

Sila na may sala.

Sila pang nakawala.

Habang naghihintay ako dito,

Sila’y nagtatawanan sa galak, doon.

 

Hindi na ako magsusulat ng mga tula.

Hindi ko maiiwasang maisulat sila.

Sila. Na hindi kasama ang Ako.

Sila. Na bigla na lang naglaho.

Sila. Na magkahawak ang kamay.

Samantalang naiwan ako sa kanto. Mag-isa.

Dala ang mga luha ng kahapon.

Kibit-balikat kong dinadala ngayon.

 

Patawarin mo ako, kung nahihirapan akong,

Gawin ang mga tulang gusto kong gawin para sa iyo.

Darating rin naman ang araw na makakalimutan ko sila.

Darating rin ang araw na maisusulat ko ang Tayo ng tulang

Nais mo.

 

 


Ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s