Hesus, how to be You po?

 

Hesus, paano maging katulad mo?

Sa mga panahong durog ang puso ko,

Habang pinupulot ang nasirang piraso,

Kasama ang lungkot at pighati ko

Dahil sa walang katapusang nais ko.

 

Hesus, paano maging katulad mo?

Sa mga oras na nakakunot ang noo ko

Dahil sa hirap, pagod, at puyat,

Paano magpasalamat at umasang

Magiging ayos rin ang lahat?
Hesus, paano maging katulad mo?

Sa sandaling wala akong tiwala sa lahat,

Sa sandaling babagsak na ang lahat,

Sa sandaling wala akong makapitan?

 

Hesus, paano maging katulad mo?

Paano ba magmahal nang buo at wagas,

Paano ba magmahal nang hindi kukupas,

Paano ba magmahal ng walang hinihintay na kapalit?

 

Hesus, how to be You po?

Sa sandaling gusto ko nang sumuko,

Paano ko aalalahanin na may pag-asa pa?

Paano ko ipagsisigawang “Kaya ko pa!”

Paano ko sasabihing “Lord, sa’yo na lahat.”

 

Hesus, tulungan mo naman akong maging katulad mo.

Tulungan mo akong magtiwala sa Ama.

Tulungan mo akong magmahal nang wagas at sobra.

Tulungan mo akong kumapit sa’yo sa kabila ng problema.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s