Nang maligaw ako sa Makati

 

Nang maligaw ako sa Makati…

Sinanay ko na ang sarili kong mag-isa.

Ayoko nang umasa sa’yo na tila mapa.

Alam lahat ng lugar, at kung anu-ano pa.

Alam mo kung kailan ako patawanin, at

Alam mo rin kung paanong paiyakin.

 

Nasanay na akong lumakad mag-isa.

Ihakbang ang paa kung saan pupunta

Kahit walang ka-hawak kamay, hindi ba?

Natuto na akong magtanong,

Natuto na akong magsalita.

Kaya lang sa tanong na, “Mahal mo pa ba ako?”

Hindi ka natutong sumagot.

 

Nagsasanay na akong humakbang palayo.

Kaya nga nang mapadpad muli ako sa Makati

Anong bigat ang naramdaman ko.

Naalala ko na naman noong tayo.

Saktong may ilaw rin sa Ayala,

May SALE rin sa Glorietta,

Traffic pa rin hanggang Buendia.

 

Lahat nang pasikot-sikot sa Makati alam ko na.

Kaya lang, may isang lugar pa pala

Na hindi ko pa nakakalimutan, este naaalala.

Naaalala mo sa may Magallanes,

Isang malamig, at madilim na panahon.

Doon mo na sinabing gusto mo nang umahon.

Naitanong ko, “Ahon mula saan?”

“Mula sa’yong sugatan, at nang-iiwan.”

 

Simula noon, ayaw ko nang dumaan sa Magallanes.

Ayoko nang maalala ang mga oras na mabilis.

Kaya lang tuluyan na akong nawala sa linya.

Akala ko sa Makati lang ako maliligaw.

‘Yun pala, pati pala papunta sa’yo.

Advertisements

One thought on “Nang maligaw ako sa Makati

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s