Seen zoned

Seen-zoned.

Ilang beses mo nang na-seen zoned ‘yung mga kaibigan mong naghihintay ng reply mo? Gaano kadalas ito nangyari? Siguro, hindi natin maiwasan na sa sobrang dami ng ginagawa natin, nakakalimutan na nating mag-reply sa mga mahahalagang message ng kaibigan at minsan nga, kamag-anak natin.

Imagine this.

Nasa teenage years si Maria noong tinawag siya ng Diyos bilang maging Ina ni Hesus. What if ang pagtawag ng Diyos kay Maria ay thru Facebook Messenger? ‘Yung tipong may online at offline. ‘Yung pwedeng mag-hide at mag-available to all? As in, may choice si Maria palagi kung mag-i-scroll down lang sa mga posts ni Lord na talagang para sa kanya. Paano kaya kung ganoon?

What if?

Ano kayang mararamdaman ni Lord kung “na-seen” lang ni Maria ang mensahe niya? Ano kayang nangyari kung walang Maria na “nag-reply” sa mga PM ni Anghel Gabriel? Nasaan na kaya tayo ngayon? Nailigtas kaya tayo sa ating mga kasalanan? Kung nang-seen lang si Maria, may isang Hesus pa bang mabubuhay at magliligtas sa atin?

Buti na lang.

Mabuti na lang, hindi nang-seen zoned si Maria. Sa mga chat ni Lord, nag-reply siya agad. Hindi lang niya basta ni-like ang PM ni Lord, kundi in-accept niya pa ito nang buong-buo. Kasunod nang pag-oo ni Maria ay sandamakmak na posibleng hater niya. Huminto ba si Maria sa pagtugon sa tawag ng Diyos? Hindi.

Kaya naman…

Patuloy na nag-follow si Maria sa mga pagtawag at utos ng Panginoon sa kanya. Hanggang sa abot ng kanyang makakaya, patuloy siyang sumusunod nang buong puso. Pinusuan na rin ni Maria ang lahat ng layon para sa kanya ni Hesus. Hindi siya kailanman “nag-left the group” or “nag-silent” sa group chat.

Nagsasaya tayo ngayong panahong ito dahil sa amazing na pag-reply ni Maria.

Ikaw? Nag-reply ka na ba sa PM ni Lord sa iyo? Maaaring ang simpleng PM na ito ay makakapagpabago ng buhay mo. Kaya ‘wag ka nang mag-alinlangan. Sumagot ka na ng LIKE AT YES sa will ni Lord.

‘Wag kang seen-lord, bes.

Advertisements

One thought on “Seen zoned

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s