HHWW (Tula)

Pasensya ka na kung magaspang

Ang kamay kong hawak ang iyo

Dala ko kasi mula pagkabata ang

Alaala ng sanlibong dusa at awa

Sa ninunong salat sa ginhawa,

Sa buhay na puno nang hapis-dusa
Kamay na maagang nagbungkal

Ng mailalaman sa bibig at katawan

Kamay na hindi nakilala ang bilang.

Walang malay sa naroo’t narito,

Umaasa sa kabila ng imposible

Sa buhay na puno nang hapis-dusa
Malayo ito sa kamay mong kay kinis

Porselana at ulap ang wangis

Hawak ang modernong teknolohiya

Nakikipagkamay sa naka-kurbata

Pumipirma ng numero at letra

Nakalimot nga lang sa mga alaala.
Featured Image C of Jhuly An V.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s