Passion o Sahod? Tips to all graduating students

Graduation na! Congratulations dahil tapos ka nang harapin ang sandamakmak na requirements sa school, nakakatakot at sweet na teachers, at nakakalokang schedule. Papasok ka na sa panibagong pinto sa mundo, ang #Adulting.

Mahirap maging #adult. Kailangan mo nang ihanda ang sandamakmak na responsibilidad dahil ganito ang tipikal na set up sa isang tipikal na pamilyang pilipino. Inaasahang maghahanap ka ng trabaho at kinalaunan, magbibigay ng “buhay” para sa pamilya mo.

Sa paghahanap mo ng trabaho, marami kang ideya. Gusto mong gawin ‘yung sagot sa tanong na “ten years from now, what will you be?” Gusto mong patunayan sa sarili mo na gusto mong gawing trabaho ‘yung bagay na gusto mong gawin noon pa man.

Pero sasampalin ka ng katotohanan. Sasabihin niyang hindi madali ang lahat. Malaki ang kompetisyon sa gusto mong trabaho. Maraming may gusto ng gusto mo. Mahihirapan ka at sa isang punto ng buhay mo, susubukin mong maghanap ng ibang trabaho o maaaring pagkakitaan.

Syempre, nang-aasar ang panahon. Ibibigay niya sa’yo ‘yung bagay na wala sa bucket list mo. Pero wala kang magagawa kundi um-oo dahil walang kang pagpipilian. Kailangan mo nang magpakain ng mga tiyang nalipasan na ng gutom. Kailangan mo nang magbigay ng payslip sa magulang mo.

Ang dami mong kailangang gawin. Heto ka, papipiliin ng mundo, passion o sahod?

Anong pipiliin mo? Mahirap. Maswerte ang mga nagtratrabaho at kumikita sila sa gusto nilang gawin. Kaya lang, tandaan mong hindi naman naging madali sa kanila ang lahat.

Kung wala ka ng choice at gusto mo nang magtrabaho, sige, maghanap ka ng ibang pagkakitaan pero maglaan ka ng oras sa passion mo. Sa vacation leave mo, gawin mo ‘yung pinangarap mong gawin noon. Hanapan mo ng oras. Bigyan mo ng panahon. ‘Wag kang susuko dahil darating ‘yung araw na maibibigay sa’yo ang gusto mo hangga’t nagsusumikap ka at gumagawa ng paraan para makamit ito.

So… gumawa ka muna ng resume at mag-apply bago ka mamilosopiya sa mundo. šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s