Kung sakaling humayo ka na

Kung sakaling humayo ka na, maaari  mo bang sabihin sa aking tama na?

Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumangon ng madaling araw, ang dahilan kung bakit ako napatayo upang buuin ang mga salitang nababasa mo ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako makatulog kakaisip sa mga ngiti mo. Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon pilit kong binabago ang sistemang nakasanayan ko noong tayo pa, noong mga panahong may hihintayin pa akong tawag.

Lubusan nang hindi matabunan ng salita ang mga alaalang iyong kinatha. Napakahirap takpan ng mga pag-asang iyong ipinaramdam. Ang sarap talikhuran ng mga panahong iginugol ko para sa iyo, ang mga salita at alaala mong hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isipan ko. Ang salitang humayo ba ay sadyang napakahirap maabot? Tunay bang may pagpaparaya sa bawat pag-abot?

Luha’y malayang tumutulo kasabay ng pag-alala sa iyong mga pangako, sa iyong mga ngiti, sa iyong mga labi na siyang lungkot ko’y pumapawi. Tila kay hirap unawain na ang dating tawa at tuwa ay ngayo’y napalitan na ng awa at luwa. Nakalimutan mo na ang salitang tayo, wala na rin ako sa sistema mo. Pilit mong tinapos ang alaala ng walang pag-iimbot, ng walang pagdadalawang-isip.

Marami nang natakbuhan ang isip na ito, subalit hirap pa rin akong tumakbo papalayo sa iyo. Hirap pa rin akong pumikit nang hindi mukha mo ang nakikita ko. Sa bawat paghakbang ko, naalala ko na kamay mo’y hawak ko. Sa bawat pagtingin ko sa mga tala, umaasa kong kasama kitang nakatingala. Oo’t nagmumukha akong isang dukha sapagkat wala na ikaw na tanging yaman ko.

Kung sakaling humayo ka na, maaari  mo bang sabihin sa aking tama na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s