Paano kung nakakulong ka na?

Ang tulang ito ay alay sa mga nakatali sa phone na hawak nila.

***

Paano kung nakakulong ka na?

Sa loob ng isang mahiwagang kweba at natatagong lungga.

Wala ka nang kawala sapagkat ito’y hanap tuwing umaga.

Nasa bahay, paaralan, pasayalan. ‘Di mo ito makikita.

 

Paano kung hindi ka na makakawala?

Sa walang hanggang sapot ng mapanghusgang lipunan at ‘kultura’

Kamay na itinali sa itim, minsan puting, mamahalin ang halaga.

Kadalasa’y nasa loob ng bag, mas madalas nasa loob ng bulsa.

 

Sa bawat pagpihit mo ng gawa-gawang pahina,

Hindi mo namamalayang unti-unti ka na ngang naka-kadena.

Sa mapait na kahapon subalit akala ng iba may saysay at saya.

Nakalimutan mo nang mabuhay habang ika’y nagbabasa.

 

Nakakatakot na hindi ka natatakot sa mundong nasa harap mo na.

Taglay nito ay pangalan, tahanan, tawanan, at iyong mga katipan.

Hindi mo nalalaman sapagkat ito’y hiningi naman sa iyong harapan.

Hindi mo nalalaman na ito’y tanikalang mahigpit, kasuklam-suklam.

 

Paano kung hindi mo alam na ika’y nasa loob na ng piitan?

Kasama ang taong tulad mo’y hanap ay ‘kasiyahan’

Pilit na ipinakikita ang kaligayahan, ngunit wangis ang katumbas

Ng sandamakmak na Hahaha sa komento’y nailagak.

 

Paano kung hindi ka na makalaya sa imahinasyon at piitan?

Bukod sa kaluluwa, kasamang naitago pati iyong katawan.

Handa ka pa bang gumising pagkadaka?

Kung alam na nila ang dahilan ng iyong paghinga?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s