Isinulat ni Sir Romulo P. Baquiran ang Aishite imasu: Mga Dagling Sanaysay sa Danas-Japan ang mga sanaysay rito noong siya ay nagturo ng Wikang Filipino sa Japan noong 2014-2017. Inilathala naman ito ng UP Press ngayong 2021.
Bakit mo ito kailangang basahin?
Maraming dahilan para basahin mo ang librong ito. Una, basahin mo ito dahil maraming magandang paglalarawan sa Japan ang nilalaman ng akdang ito.
May isang kabanata na kung saan, malinaw na nailarawan sa isip ko ang itsura ng cherry blossoms at ang pakiramdam ng mga naroon sa eksenang iyon. Banayad ang mga naratibo. Parang nasa Japan ka na rin.
Basahin mo ito dahil napaka-natural, at totoo ng pagsusulat ni Sir Joey. Walang paglilimita sa mga danas, nakakatawa man o nakakahiya, na ikinuwento sa akdang ito. Matututo, matatawa, at makakaramdam ka ng lungkot sa mga sanaysay.
Napakaganda ng akdang ito. Parang kaibigan ka ni Sir Joey at personal ka niyang dinala sa iba’t ibang lugar sa Japan. Ipakikita niya sa’yo ang pagkain, teknolohiya, bisikleta, at ang transportasyon sa Japan. Ipakikilala ka rin niya sa mga naging kaibigan at mga nakasalubong niya sa lugar na ito.
Pwede mo pa ring bilhin ang aklat na ito sa Shopee. 🙂