LIFE LESSONS

Siguro

Siguro…

Siguro pagod ka na
Sa byahe at traffic
Sa deduction sa pay slip.

Siguro ayaw mo na
Ng revision at reminder
Ng sticky notes sa pader.

Siguro lango ka na
Sa usok at init
Sa pawis at pait.

Siguro sawa ka na
Sa tsismis at bilin
Sa listahan ng bilihin.

Siguro gusto mo na
Magbakasyon, gumala,
Nang ginhawa’y mapala.

Siguro ngayon lang ‘yan
Sa susunod masasabi mo na
“Lahat, kaya ko pala.”